GABRIELA

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Organization

Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA) ay isang organisasyon sa Pilipinas na nagtataguyod ng mga programa para sa kaunlaran ng kababaihan. Ito ay ipinangalan kay Gabriela Silang, isang bayaning Pilipina na namuno sa isang rebelyon laban sa pananakop ng mga Kastila, at itinatag noong 1984.

Deskripsiyon

  • Ang GABRIELA ay isang kilusan na tahasang nakikialam sa problemang kinakaharap ng mga babae upang sila ay mapalaya sa anu mang kalupitan, diskriminasyon, karahasang sexual at pang-aabuso, kapabayaan at pagtanggi sa kanilang karapatang pangkalusugan at reproduksyon.
  • Ang GABRIELA ay may layuning ipaglaban ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan sa mga kalalakihan sa halos lahat ng aspeto ng buhay.
  • Ang GABRIELA ay isang esensyal na kilusan upang tumulong sa pagtataguyod at pagbubunsod ng kalayaan sa halos kalahati ng populasyon ng sambayanan.

Kasaysayan

Dahil sa pangangailangan ng pagbabago sa politika at ekonomiya noong panahon ng Batas Militar, 42 organinsasyon ng kababaihan ang nagsanib upang magtatag ng samahang GABRIELA. Sa kasalukuyan, ang GABRIELA ay sentro ng mahigit isang daang organisasyon ng kababaihan, institusyon, departamento at mga programa. Kalahok dito ang mga manggawamg kababaihan, pesante, maralitang taga-lungsod, mga ginang ng tahanan, propesyonal, mga deboto at mga estudyante sa buong bansa.

Kasapian

Ang GABRIELA ay isang network ng mga grupo, institusyon at mga programa kung saan ang mga miyembro ay aktibong lumalahok at ipinaglalaban ang mga isyu sa karapatan, karukhaan, globalization, militarismo, karahasan, kalusugan, sex trafficking' at iba pang mga isyu na nakaka-apekto sa mga kababaihan.

Ang GABRIELA ay may mga regional chapters sa buong kaMaynilaan, Cordillera Administrative Region, at Mindanao; sub-regional chapters sa Negros, Panay at Samar gayun din ang mga provincial chapters sa Bicol at Cebu.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.