Francisco Fronda

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Francisco M. Fronda (18961986) ay kinilalang "Ama ng Siyensya ng Manukan sa Pilipinas" at kinilalang "Ama ng Industriyang Manukan sa Thailand" mula sa Prinsesa ng Thailand noong 1982. Nakapagsulat siya ng mahigit na 500 na artikulo ukol sa manukan at iba pang hayop. Sa kanyang kontribusyon sa larangan ng agrikultura ang naging batayan ng paggawad sa kanya bilang Pambansang Siyentipiko noong 1983.

Ipinanganak sa Santo Tomas, Aliaga, Nueva Ecija noong Disyembre 22, 1896. Nagkapagtapos siya ng Bachelor of Science in Agriculture sa Unibersidad ng Pilipinas taong 1919. Ipinagpatuloy ang pag-aaral at nagtapos ng Masters of Science (1920) at Ph. D. in Poultry Science (1922) mula sa Unibersidad ng Cornell sa Estados Unidos.

Sa 60 taong pagtuturo at pag-aaral sa larangan ng manukan, hindi matatawaran ang naiambag ni Dr. Fronda sa industriya sa buong Pilipinas at maging sa Asya. Ilan sa kilalang aklat na kanyang naisulat ay ang seryeng "Let us Raise" para sa mga mag-aaral ng elementarya at mataas na paaralan.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Francisco Fronda. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.