Francisco Arcellana

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Francisco "Franz" Arcellana (ipinanganak na Zacarias Eugene Francisco Quino Arcellana; 6 Setyembre 1916 – 1 Agosto 2002) ay dating Pilipinong manunulat, makata, peryodista, kritiko at guro. Isa siyang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng Panitikan.

Personal na buhay

Pang-apat si Arcellana sa 18 magkakapatid na mag-anak ni Jose Arcellana y Cabaneiro at Epifanio Quino. Nagsimula siyang mag-aral sa Tondo at namulat sa pagsusulát habang nag-aaral sa Tondo Intermediate School; ngunit nahasa lamang ito nang siya'y nag-aral na sa Manila West High School (ngayo'y Mataas na Paaralang Florentino Torres) nang sumanib sa pahayagan ng kanilang paaralan ang The Torres Torch.[1] Pinagpatuloy niya ang kaniyang pagsusulat habang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ikinasal siya kay Emerenciana Yuvienco at nagkaroon ng anim na anak. Ang kaniyang anak na si Juaniyo ay isa ring manunulat at makata.[1]