Francine Prieto

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Francine Prieto (totoong pangalan: Anna Marie Falcon) ay isang aktres na Pilipina.

Talambuhay

Ipinanganak si Si Francine Prieto noong Setyembre 17, 1982. Taga-Norwayang kanyang ama at Pilipina ang kanyang ina. Nang naghiwalay ang kanyang mga magulang, ikinasal muli ang kanyang ina sa isang Pilipino. Isa si Francine sa limang anak at siya ang tumayong tagapag-taguyod ng pamilya nang mamatay ang amahin niya.

Noong sampung taong gulang si Prieto, gumanap siya sa dramang pantelebisyon sa ABC 5 na pinamagatang Criselda. Sumali si Prieto noong 2003 sa Bb. Pilipinas at bagama't hindi siya nagwagi, nadiskure naman siya ng tagapangasiwa ng mga artista na si Ces Evangelista.

Di kalaunan ay naging artista si Francine Prieto sa pangangasiwa ng Seiko Films. Ngunit tinaggihan ng puno ng Seiko Films na si Robbie Tan ang pangalang "Falcon" dahil kahawig nito ang pangalan na "Falcon: Agent X-44", isang tauhan sa pelikula na ginampanan ng aktor na si Tony Ferrer. Inimungkahi ni Robbie Tan ang pangalang "Francine Da Silva" nguni't kahawig ito sa pangalan ng aktor na si Dennis Da Silva na nasangkot sa mga iskandalo noon. Napagpasiyahan nila ang panagalang "Francine Prieto".

Noong 2003 ay nagsimulang mag-modelo si Prieto para sa babasahing FHM. Noong taong rin iyon siya gumanap sa pelikulang Liberated. Sinundan ito ng Liberated 2 at binansagan si Francine Prieto na "Sensuality Queen".

Gumanap din si Francine Prieto sa telebisyon sa telefantasyang Etheria bilang "Avria" at sa komedyang Bahay mo ba 'tobilang "Jingle".

Mga Ginanapang Palabas

Telebisyon

  • K, the P1,000,000 Videoke Contest
  • Encantadia: Pag-ibig hanggang wakas (2006) bilang Avria
  • Bahay mo ba 'to (2005) bilang Jingle
  • Bubble Gang
  • Etheria: Ang ikalimang kaharian ng encantadia (2005) bilang Avria
  • Love to Love (2005) bilang Amy
  • Art Angel episode: "Art is in the Air Special" (2005)
  • That's Entertainment (1986) ("Anna Marie Falcon")

Pelikula

  • Bikini Open (2005)
  • Liberated 2 (2004) bilang Janelle
  • Bridal Shower (2004) bilang Sonia
  • Liberated (2003) bilang Trixie
  • Imbestigasyon kay Lolita Macarena (1997) ("Anna Marie Falcon")
  • Thalia (1997) ("Anna Marie Falcon")
  • Abuso: Case #6433 (1997) ("Anna Marie Falcon")
  • Tukso layuan mo ako 2 (1996) ("Anna Marie Falcon")
  • Sobra talaga... Overr!! (1993) ("Anna Marie Falcon")
  • Divine Mercy sa buhay ni Sister Faustina (1993) ("Anne Marie Falcon")
  • Ligaw-ligawan, kasal-kasalan, bahay-bahayan (1993) ("Anna Marie Falcon")
  • Darna (1991) ("Anna Marie Falcon") bilang Batang Narda
  • Hindi laruan ang puso (1990) ("Anne Marie Falcon")

Video

  • Understatement: The Bench Underwear and Denim Fashion Show (2004)

Mga Pahinang Pag-uugnay