Fr. Pablo Pastells

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Fr. Pablo Pastells ay isang Heswitang pari na siyang sumubok na kumbinsihin si Jose Rizal na magbalik loob sa Katolisismo. Isa siyang magpaaral ng Seminario Conciliar sa Barcelona at naging refugee sa Pransya noong 1868.

Talambuhay

Ipinanganak si Pastells noong 1846 sa Figueres sa Gerona sa Espanya. Naging kasapi siya ng Society of Jesus noong 1866 sa edad na 20. Kasama ang iba pang mga Heswita, pumunta si Pastells sa Pransya para ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi naglaon ay naitalaga sa Pilipinas si Pastells.

Dumating si Pastells sa Ateneo Municipal sa Maynila noong ika-5 ng Setyembre 1875 sa edad na 29 taong gulang. Naging misyonero siya sa lalawigan ng Surigao sa Mindanao mula 1876 hanggang 1887. Pinabalik siya sa Maynila noong Nobyembre 1887, at noong ika-1 ng Marso, 1893, itinalaga siya sa Escuela Normal. Umalis siya sa Pilipinas noong ika-5 ng Oktubre 1898 dahil sa kaniyang lumalalang kalusugan.

Si Rizal at si Padre Pastells

Nagkakilala si Padre Pastells at si Rizal sa Ateneo Municipal nang si Rizal ay 14 na taong gulang.

Naging madalas ang pagsusulatan ni Rizal at Padre Pastells nang si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan. Noon ay 31 taong gulang si Rizal habang 45 taong gulang si Padre Pastells.


Mga Sanggunian

  • Bonoan, Raul J. The Hitherto Unpublished Letters of Jose Rizal and Portions of Fr. Pablo Pastell’s Fourth Letter and Translation of the Correspondence, together with a Historical Background and Theological Critique. Ateneo de Manila University Press, Bellarmine Hall, Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City, P.O. Box 154, 1099 Manila, Philippines. 1994
  • “Miscellaneous Letters Exchanged Between José Rizal and Fr. Pablo Pastells in 1892 and 1893”. The Life and Writings of Jose Rizal. [1] (Accessed August 6, 2011)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.