Fotobam
Ang fotobam ay ang salitang lahok propesor at historyador na si Michael Charleston B. Chua sa programang Sawikaan: Salita ng Taon noong 2016. Sa simpleng pakahulugan ni Chua, ang fotobam ay ang “pagsama sa litrato na hindi ka dapat kasama.” Naiuugnay rin ito sa mga salitang “panira” at “wala sa lugar.”
“Organic” ang pagsasalarawan ni Chua sa baybay na “fotobam” dahil ayon sa kaniyang paliwanag, walang salitang “photo” sa Filipino, ang salitang “foto” naman ay nasa wikang Spanish. Hindi lamang sa pagkuha ng personal na selfie o groupie nagaganap ang fotobam dahil kapag pumunta raw sa Luneta Park at magpapapiktur sa monumento ni Jose Rizal ay makikita ang itinuturing na “pambansang fotobam”—ang Torre de Manila.
Ang pagpili ng Salita ng Taon ay proyekto ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (TIF) na nagtatampok sa pagpili ng pinakamahalagang salita na namayani sa diskurso ng mga Pilipino sa nakalipas na dalawang taon.
Mga Sanggunian
- Jee Y Geronimo. “'Fotobam' ang Salita ng Taon 2016.” Rappler, 6 Oktubre 2016. https://www.rappler.com/nation/sawikaan-2016-salita-taon-fotobam. Accessed 11 Marso 2021.
- Tomas U. Santo. “Fotobam,” hinirang na salita ng taon.” Varsitarian, 7 Oktubre 2016. https://varsitarian.net/news/20161007/fotobam-hinirang-na-salita-ng-taon Accessed 11 Marso 2021.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |