Fort Santiago

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Fort Santiago (Fueza Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Espanyol na si Miguel López de Legazpi. Gayunman, bago dumating ang mga Espanyol, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Sulayman, isa sa mga pinuno ng Sinaunang Maynila.

Ito ay bahagi ng Intramuros, itinuturing na “Lungsod ng Maynila” noong panahon ng mga Espanyol. Ipinangalan ito sa patron na si Santiago.

Bilang isang kuta o pook tanggulan, ang mga pader ng Fort Santiago ay may kapal nang walong talampakan at taas na 22 talampakan.

Dito nakulong ang dakilang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta Park ngayon).

Sanggunian

Lolito Nunag, ed. Virgilio S. Almario. “Kutang Santiago.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas, Edisyong 2013. Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.