Fort Ilocandia
Jump to navigation
Jump to search
Ang Fort Ilocandia ay ang pinakasikat at nag-iisang 5-star hotel na matatagpuan sa hilagang parte ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Calayab, Lungsod Laoag, Ilocos Norte.
Ito ay may kabuuang lawak na 77 ektarya. Ito ay binubuo rin ng kagubatan na mayroong mga pine trees at 2 kilometrong haba ng baybayin na nakaharap sa South China Sea.
Ilan sa mga sikat na destinasyon ng Fort Ilocandia ay ang maipagmamalaki nitong golf course at country club na dati'y eksklusibo lamang na ginagamit ni Presidente Ferdinand E. Marcos. Mayroon ding mga pasilidad para sa mga samu't saring isports kagaya ng horseback riding, jetskiing, fishing, beach strolling, billiards, scuba diving, snorkeling, at parasailing.
Sanggunian
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |