Florentino Sanico Solon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Florentino Sanico Solon (17 Setyembre 1931-17 Hunyo 2020) ay isang Pilipinong nutritionist at politiko na nagsilbi bilang alkalde ng Cebu City mula 1978 hanggang 1983. Kilala rin siya sa tawag na "Father of Nutrition" at nagsilbi bilang unang executive director ng Nutrition Center of the Philippines noong 1974, at deputy Minister of Health mula 1983 hanggang 1986 sa panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Kabataan at Edukasyon

Ipinanganak si Solon kina Pio Palacio at Ricarda Sanico Solon. Nagtapos siya ng masterado sa public health sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila at doctor of medicine sa University of Santo Tomas. Mayroon rin siyang diploma in nutrition mula sa London School of Hygiene and Tropical Medicine.

Karera

Nagsimula ang karera ni Solon bilang isnag municipal health officer sa bayan ng Carmen sa Cebu at kinalaunan ay naging bahagi siya ng regional office ng Ministry of Health. Itinalaga siya bilang unang executive director ng National Nutrition Council noong ika-16 ng Hulyo 1974 at naging founding director ng Nutrition Center of the Philippines noong 1974.

Noong 1978, itinalaga siya bilang alkalde ng Cebu City. Noong 1980, nahalal siya bilang alkalde ng lungsod. Sa panahon niya nagsimula ang Sinulog Festival. Noong 1983, itinalaga siya ni Marcos bilang deputy minister of health.

Kamatayan

Pumanaw si Solon noong ika-17 ng Hunyo 2020 sa edad na 88.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.