Florentino H. Hornedo
Si Florentino H. Hornedo ay premyadong mananaliksik, manunulat, at guro na nakapag-ambag nang malaki sa paghalukay ng kultura ng mga Filipino, lalo ng mga Ivatan.
Si Hornedo ay nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1961); may titulong masterado sa Ingles (cum laude, 1966) at masterado sa Pilosopiya (1972) na pawang natamo niya sa sa Saint Louis University; may titulong doktorado sa Literatura sa Unibersidad ng Santo Tomas (1977); at may posdoktorado sa Kasaysayan at Agham Panlipunan sa UST (1986).
Nagturo siya sa Saint Louis University, bago naging dekano sa SLU College of Humanities at gradwadong paaralan ng Saint Dominic College of Batanes. Nagbigay siya ng mga lektura sa United States, Thailand, Hong Kong, Taiwan, South Korea, at Japan, at nakapagsulat ng mga aklat hinggil sa kasaysayan, kultura, at wika. Nagtamo siya ng mga parangal, gaya ng sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Manila Critics Circle, at Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Nagtuturo siya ngayon sa Ateneo de Manila University at Unibersidad ng Santo Tomas.
Mga Akda
Kabilang sa kaniyang mga aklat ang sumusunod:
- Pagmamahal at Pagmumura (ORP-CAS, Ateneo de Manila University, 1997);
- Laji: Anu Maddaw Ka Mu Lipus: An Ivatan Folk Lyric Tradition (UST Publishing House, 1997);
- Reader in Philosophy of the Human Person (UST Graduate School, 1995);
- Christian Education: Becoming Person-for-Others: Essays in Philosophy of Education (UST Press, 1995);
- Panitikan II: An Essay on Philippine Ethnic Culture (CCP, 1992);
- Ivatan Gold Ornaments (UST Graduate School, 1986–1987);
- Laji: The Ivatan Folk Lyric Tradition (UNITAS, UST, 1979);
- The Philosophy of Freedom (Saint Louis University, 1972).
Sanggunian
- Añonuevo, Roberto T. at Marne L. Kilates, mga ed. Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Souvernir Program. Quezon City: Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, 2005.
- Hornedo, Florentino H. Laji: An Ivatan Folk Lyric Tradition. Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 1997.
- Pambansang Direktoryo ng mga Alagad ng Wika. (Walang awtor). Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Hornedo, Florentino H. Hornedo, Florentino H. Hornedo, Florentino H. Hornedo, Florentino H. Hornedo Hornedo