Film Academy of the Philippines

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Film Academy of the Philippines (FAP), itinatag noong 5 Enero 1981 ng Executive Order 640-A na nilagdaan ni dating Presidente Ferdinand Marcos, ay isang kapisanan na nagbibigay taun-taon ng mga gantimpala at iba pang uri ng pagkilala para sa mga natatanging gawa at tagumpay ng bawat artista, na nakapag-ambag sa pagpapaunlad ng motion picture arts and sciences sa bansa.

Ito ay binubuo ng iba't ibang sangay na kumakatawan sa masining at aspetong teknikal ng industriya ng motion picture sa Pilipinas.

Ang tropeo ng Film Academy of the Philippines ay dinisenyo ni Ulay Tantoco.

Tungkulin/Gawain

  • Magbigay ng pagkilala at parangal sa mga artista sa pelikula, teknisyan, at iba pang manggagawa para sa kanilang natatanging mga gawa
  • Magsilbi bilang punong organisasyon sa lahat ng samahan sa industriya ng motion picture sa bansa, na may responsibilidad na pangasiwaan at tulungan sila sa kanilang mga gawain
  • Tumulong sa pagpapatupad at pagtatanghal ng taunang Metro Manila Film Festival sa Pilipinas
  • Pagpili sa magiging kinatawan ng bansa sa foreign language film na kategorya sa Oscar Awards, pati na rin sa iba pang film festival sa ibang bansa
  • Pagpapadala ng mga delegado sa ilang foreign film festival tulad ng Asean at Asian Pacific film festivals
  • Nakikipagtulungan sa Film Development Council of the Philippines na nagpapatakbo sa Cinema Evaluation Board at International Film Festival Committee (IFFCOM)

Mga Kasapi

  • Movie Workers Welfare Foundation, Inc (MOWELFUND)
  • Philippine Motion Picture Producers Association (PMPPA)
  • Integrated Movie Producers
  • Importers and Distributors Association of the Philippines (IMPIDAP)
  • Kapisanan ng mga Direktok ng Pelikulang Pilipino (KDPP)
  • Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino (KAPP)
  • Screenwriters Guild of the Philippines (SGP)
  • Production Designers Guild of the Philippines (PDGP)
  • Filipino Society of Cinematographers (FSC)
  • Film Editors Guild for Motion Pictures (FEGMP)
  • United Film Musical Directors Association of the Philippines (UFIMDAP)
  • Sound Technicians Association for Motion Pictures (STAMP)
  • Assistant Directors and Production Managers Guild of the Philippines (ADPM)
  • Filipino Specialized Filmmaker Foundation (OsFilm)
  • Actors Workshop Foundation (AWF)

Mga ginawaran ng Lifetime Achievement Award

  • Lamberto Avellana
  • Gerardo de Leon
  • Richard Abelardo
  • Luis F. Nolasco
  • Consuelo P. Osorio
  • Manuel Silos
  • Totoy Torrente
  • Juan Silos, Jr
  • William Smith
  • Mary Walter
  • Tita Duran
  • Pancho Magalona
  • Enrique Jarlego, Sr
  • Felipe J. Sacdalan
  • Levi Celerio
  • Chichay
  • Bella Flores
  • Leopoldo Salcedo
  • Joseph Estrada
  • Rogelio de la Rosa
  • Fernando Poe, Jr
  • Atty Manuel de Leon
  • Mike Accion
  • Eddie Infante
  • Dolphy
  • Nora Aunor
  • Atty Espiridion Laxa

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.