Filipiniana.net

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Filipiniana.net

Ang Filipiniana.net, o kilala rin sa tawag na Filnet, ay ang kauna-unahang aklatan sa Pilipinas na nakabase sa Internet at ang kauna-unahang proyekto ng Vibal Foundation Inc.. Nililikom nito ang mga pinakamakabuluhang dokumento at impormasyong kinakailangan sa pag-aaral sa Pilipinas at ginagawa itong libre sa pamamagitan ng paglilimbag sa Internet. Bukod pa rito, tampok din sa Filnet ang mga forum at blog sa mga gumagamit nito. [1]

Kasaysayan

Nabuo ang ideyang ng proyektong Filnet nina Gaspar A. Vibal at Jaime Marco noong ika-6 ng Disyembre, 2005 sa unang Tribuna España-Filipinas na ginanap sa Madrid. Noong ika-23 ng Disyembre, umanib si Carlos Madrid sa proyekto. Nag-umpisang maging online ang Filnet noong Setyembre 2006 na na may katamtamang dami ng libro at mga dokumento sa Ingles, Filipino, at Kastila. Sa kasalukuyan, isa ito sa may pinakamaraming koleksyon ng librong Filipiniana at mga dokumentong nakahanay sa ilalim ng kasaysayan, kultura, gobyerno, at lipunan.

Mga pangyayari

  • Noong 26 Oktubre 2006, napiling itanghal ang Filipiniana.net sa mga kalahok ng ika-27 National Conference on Local and National History na itinaguyod ng Philippine National Historical Society sa Leyte Normal University sa siyudad ng Tacloban.
  • Noong 27 Oktubre 2006, ipinakilala ang Filipiniana.net sa mga delegado ng seminar na tinaguyod ng Philippine Foundation for Library Scholarship na ginanap sa Ortigas Foundation Library sa Pasig.
  • Noong Nobyembre 2006, ipinakilala ang Filnet sa mga delegado ng ika-19 Conference of the International Association of Historians of Asia (AIHA) na ginanap sa Hotel Intercontinental Manila.
  • Noong Disyembre 2006, itinanghal ng Filnet ang unang edisyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal at pinangunahan ang pelikulang tinampukan ng guni-guning pag-uusap nina Wenceslao Retana at Rizal upang baguhin ang relasyon ng Espanya at Pilipinas sa pangalawang Tribuna España-Filipinas na ginanap sa Hyatt Casino and Hotel sa Maynila.
  • Noong Enero 2007, sa tulong ng UP Vargas Museum, inilunsad ang librong Fabian de la Rosa and His Times, ang kauna-unahang serye ng libro na tumatalakay sa sining.
  • Noone Pebrero 2007, itinatag ng Filnet ang Wikipiniana.org na ngayon ay kilala na bilang [WikiPilipinas.org], ang pinakamalaking online encyclopedia tungkol sa Pilipinas..
  • Noong April 2007, ipinakilala ang Filnet sa PAARL Summer Conference sa Labrador, Pangasinan.
  • Noong Hunyo 2007, pinangunahan ng Filnet ang pelikulang 81 Years of Premio Zobel sa Casino Español Cebu, kasama sina Amigos de España, Ambasador Delfin Colome, at Donya Georgina Padilla Zobel de Ayala, ang benefactor ng Premio Zobel.
  • Noong 19 Hulyo 2007, sinimulan ng Filnet ang Master Union Bibliography of the Philippines na nagtatampok ng pinagsamang anotasyon nina Wenceslao E. Retana, Trinidad Pardo De Tavera, at James A. Robertson.
  • Noong 30 Agosto 2007, pormal na inilunsad sa publiko ang Filipiniana.net kasabay ng Wikipiniana.org sa Manila International Book Fair.
  • Itinanghal naman ng Filnet ang proyekto nitong Top 100 Pinoy Komiks sa ikatlong Filipino Komiks Convention noong 17 Nobyembre 2007.
  • Noong 1 Oktubre 2010, inilunsad pang muli ang Filipiniana.net para ipaalam sa publiko ang mas pinaganda nitong pakikipag-interaksiyon sanhi ng makabagong interface at mga seksiyon.

Mga kawani

  • Rose Carmelle Lacuata
    • Punong patnugot
  • David Ernman Lim
    • Katuwang na kawani

Sanggunian

  1. About: Filipiniana.net binisita noong: 23 Hunyo, 2011

Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Internet