Fernando de Silva

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Fernando de Silva ay ang ika-18 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ay nagmula sa Ciudad Rodrigo, Spain. Siya ang pansamantalang pumalit kay Jeronimo de Silva at naglingkod mula Hunyo 1625 hanggang Hunyo 1626.

Sa Ilalim ng Pamamahala

Si Silva ay naging knight (tao na pinagkalooban ng naturang titulo dahil sa kaniyang galing sa paglilingkod) ng Order of Santiago at nakapaglingkod bilang bilang embahador ng Espanya sa Persia. Pagkatapos, naging gobernador-heneral siya ay presidente ng Audencia Real sa loob ng isang taon.

Nang dumating si Silva sa Maynila, lumiham siya sa Hari ng Espanya tungkol sa kalagayan ng kolonya. Mariin niyang sinabi na ang Audencia Real sa Maynila ay nagmamalabis sa kapangyarihan nito at maling napamahalaan sa mga nakalipas na taon.

Pinigilan ni Silva ang paghihirang ng mga enkomendero na maging opisyal ng militar at hukbong pandagat. Nabaon sa utang ang kolonya at nalimas ang kanila pondo ng tesoreriya. Kasabay nito ang pag-aalsa sa Cagayan.

Napanatili pa rin naman ng mga Espanyol ang kampo nito sa Ternate, at sa Mollucas, habang ang hari ng Mollucas ay nabihag at dinala sa Maynila.

Iniulat rin ni Silva na walang matagpuan sa mga minahan sa Itogon at tuluyan nang inabandona ng mga Espanyol ang kanilang kuta at ang minahan doon.

Sa kaniya namang tala na may petsang 31 Hulyo 1626, iniulat ni Silva ang tungkol sa pagpapabuti ng pinansiyal na sitwasyon na may murang kalakal at suplay. Nabawasan din ang pagkakautang ng tesoreriya, at isang tulay na bato ang itinatayo malapit sa simbahan ng Pasig. Iniulat din niya na pinagbawalan ang mga Espanyol na makipagkalakalan sa mga Hapones.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 290. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.  

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.