Fernando Valdes y Tamon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Fernando Valdes y Tamon ay ang ika-40 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. Siya ang pumalit kay Toribio Jose Cosio y Campo. Siya ay naglingkod mula 14 Agosto 1729 hanggang Hulyo 1739.

Si Valdes ay kolonel, brigadier, at knight ng Order of Santigao bago hiranging gobernador-heneral noong 25 Oktubre 1727. Dumating siya sa Maynila at umupo bilang gobernador-heneral noong Agosto 1729. Sa kaniyang termino, pinawalang-bisa niya ang pag-ban sa pag-eksport ng sutla (silk) mula Tsina patungong Mexico. Pinaayos din ni Valdes ang armamento ng militar, pinagawa ang mga sirang bakod ng Intramuros, at pinalakas ang pagawaan ng mga barko.

Nag-atas din siya ng mga ekspedisyon sa Palau, ngunit nabigong sakupin ang isla.

Nakipagnegosasyon din siya kay Ali Muddin, sultan ng Sulu, upang matapos na ang pagsalakay ng mga piratang Moro. May nilagdaan silang mapayapang kasunduan noong 1 Pebrero 1737.

Tumuon din si Valdes sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka. Nilimitahan niya ang oras ng kanilang paggawa sa siyam na oras kada araw at ipinag-utos na protektahan ang kanilang mga interes laban sa mga mapang-abusong opisyal. Itinatag din niya ang isang faculty (kagawarang pang-akademya) sa batas sibil.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 293. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.  

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.