Felix Manalo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Felix Ysagun o mas kilala sa pangalan na Felix Manalo, ipinanganak noong 10 Mayo 1886 sa Barrio Calzada, Taguig, Rizal, ang nagtatag at nagtaguyog ng Iglesia ni Cristo (INC). Binago niya ang kanyang apelyido mula Ysagun, sa Manalo, na ang ibig sabihin ay “magwagi” upang isalarawan ang pagbangon at paglaki ng Iglesia ni Cristo, bilang isa sa mga malalaking relihiyon sa bansa ngayon.

Buhay

Bininyagan siya bilang katoliko, at dahil ang kanyang ina ay isang deboto ng katolisismo, pinakuha niya si Manalo ng mga katesismo ukol sa relihiyon ng Katoliko. Sa paglaki ni Manalo, siya ay naging tagasunod ng “Colorum”, isang lihim na sekta sa Pilipinas at sila ay gumagawa ng mga paglalakbay sa mga sagradong bundok.

Noong 1904, matapos niyang masaksihan ang isang debate sa pagitan ng isang paring Katoliko at Protestanteng ministro, tungkol sa paggamit ng mga imahe, sumama si Manalo sa Methodist Episcopalian Church at naging isang pastor.

Nag-aral si Manalo sa Presbyterian Bible School hanggang sa nakilala niya ang Christian Mission group (Church of Christ), kung saan nag-aral siya sa Manila College of the Bible ng apat na taon. Naging lokal na ebanghelista din siya ng Society for the propagation of the Gospel. Nang umalis si Manalo sa Christian Mission group, lumipat siya sa Seventh Day Adventism. Habang siya ay nasa Adventism, naisip ni Manalo na bumuo ng sarili niyang simbahan.

Itinatag niya ang Iglesia ni Cristo (Church of Christ) noong 1914. Pinarangalan naman siya ng mga ministro ng Christian Mission noong 12 Disyembre 1918, bilang natatanging ebanghelista. Ginawaran din siya ng Genius Divinical College ng Maynila ng Master of Bible Science, honoris causa.

Nang mamatay si Manalo noong 12 Abril 1963, isa nang matatag na simbahan ang Iglesia ni Cristo, na binubuo ng milyon-milyong mga miyembro, hindi lang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa iba pang bansa sa buong mundo. Ang anak niyang si Erano Manalo (Ka Erdy) ang humalili sa kanya bilang bagong pinuno ng INC.

Sanggunian

Template:Katiting

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.