Felipe Medalla

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Felipe M. Medalla ay ekonomista at lingkod-bayan. Siya ang hinirang ni Pangulong Bongbong Marcos bilang Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Siya ay board member rin ng BSP mula noong 2011, kung saan hinirang siya ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino at nagpatuloy sa posisyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dati rin siyang Socioeconomic Planning Secretary at Direktor-Heneral ng National Economic and Development Authority (NEDA) mula 1998 hanggang 2001, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Si Medalla ay dati ring miyembro ng Presidential Task Force on Tax and Tariff Reform sa ilalim ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at tagapangulo ng Philippine Economic Society noong 1996. Naging chairman din siya ng Foundation for Economic Freedom at nakapagsulat ng mga aklat tungkol sa mga epekto ng mga patakarang pang-ekonomiya sa kahirapan at iba pang suliranin ng bansa.

Bago maging bahagi ng BSP, si Medalla ay nagturo at dekano ng ekonomika sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nagtapos ng doktorado sa ekonomika mula sa Northwestern University sa Amerika at may masteral degree sa UP. Nagtapos siya bilang cum laude sa Bachelor of Arts at Bachelor of Science in Commerce sa De La Salle University.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.