Federico Caballero

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Federico Caballero ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya sa kaniyang pagbigkas ng mga epiko sa isang wikang naglaho na. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2000.

Talambuhay

Ipinanganak si Caballero noong ika-25 ng Disyembre, 1938. Kabilang siya sa grupong Panay-Bukidnon mula sa kabundukan sa gitnang bahagi ng Panay. Kilala siya sa kaniyang dikumentasyon ng panitikang pasalita, partikular na ang sampung epiko. Ang mga epikong ito ay binibigkas sa isang wikang naglaho na, na malapit sa wikang [Kinaray-a].

Kilala sa tawag na Nong Pedring, natutunan ni Caballero ang mga epiko sa kaniyang ina at lola na si Anggoy Omil, na binibigkas ang mga epikong ito para kay Caballero at sa kaniyang mga kapatid. Nang mamatay ang kaniyang ina at lola, ipinagpatuloy ni Caballero ang dokumentasyon ng mga epikong ito, na kilala ngayon bilang Labaw Donggon at Humadapnon. Nakipag-ugnayan rin siya sa Bureau of Nonformal Education para ituro sa mga tao ang pagsulat at pagbasa, at para ipakilala ang sining ng pagbigkas ng mga epiko sa kabila ng pagtutol ng kaniyang mga anak.

Bukod dito, kilala rin bilang manughusay at bantugan si Caballero, na tumutulong sa kaniyang komunidad. Napangasawa niya si Lucia na isang binukot at mayroon silang tatlong anak.

Pinarangalan si Caballero ng Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2000 para sa kaniyang kontribusyon sa panitikan at tradisyong pasalita.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.