Facebook

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Facebook ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapagana ng Facebook, Inc., isang kumpanyang pribado.[1] Maaaring sumali ang mga tagagamit sa mga kabalagang nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang pangalan ng sityong web sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.

Itinatag ni Mark Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa agham pangkompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at Chris Hughes habang mag-aaral pa siya ng Pamantasan ng Harvard.[2] Noong una, limitado ang pagsapi sa sityong web sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit lumawak ito sa ibang mga kolehiyo sa Boston, ang Ligang Ivy at Pamantasan ng Standford. Nang kalaunan, lumawak pa ito at napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang pamantasan, pagkatapos mataas na paaralan at, nang tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan, mayroon na ang Facebook ng higit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa buong mundo.[3]

Mga sanggunian

Kategorya:Internet

  1. Cite error: Invalid <ref> tag; no text was provided for refs named Growth
  2. "Talumbuhay ng mga Ehekutibo", Facebook. Kinuha noong Agosto 16, 2008.
  3. "Mga estadistika ng Facebook". Kinuha noong Enero 9, 2009.