Fabian de la Rosa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Fabian Cueto dela Rosa (5 Mayo 1869-14 Disyembre 1937) ay isang Pilipinong pintor na kilala para sa kaniyang mga makatotohanang dibuho. Ayon kay Aurelio S. Alvero, nagbago ang estilo niya sa pagdaan ng taon: Noong una, ang estilo niya ay akademiko na madetalye ngunit kulang sa damdamin. Sa pagdaan ng taon, naging mas ekspresibo ang kaniyang mga gawa. Sa wakas, nakasentro siya sa aplikasyon ng iba-ibang kulay.

Kabataan

Ipinanganak si de la Rosa sa Paco, Lungsod Maynila, bilang pangalawang anak ni Marcos de la Rosa at Gregoria Cueto. Habang bata pa siya, may talento na siya, at magaling nang gumuhit bago pa siya matutong magsulat. Tinuruan siya ng kaniyang tita, si Marciana de la Rosa, ng pagguhit at pagpinta simula noong sampung taong gulang siya.

Edukasyon

Naging aprentis siya ni Simon Flores. Nag-aral siya sa Academia de Dibujo y Pintura noong 1893, dalawang taong pagkatapos niyang ipinta ang una niyang kilalang gawa, La Perla de Lucban. Subalit, sa tingin niya ang kaniyang paaralan ay kulang ng interes tungkol sa napapanahong pangyayari at estilo.

Umalis siya sa eskwela at naghanap ng inspirasyon sa mga simpleng pintor ng Quiapo at Sta. Cruz. Naimpluwensiyahan siya nila sa pagpresenta ng totoong pangyayari sa pang-aaraw-araw na buhay nang makatotohanan at hindi romantiko. Nagpaturo din siya kina Miguel Zaragoza at Lorenzo Guerrero. Noong 1898, nakapag-aral siya bilang iskolar sa Madrid Art Academy. Pinag-aral din siya bilang pensionado sa Academie de Julien ng Paris at sa Academia de Bellas Artes ng Madrid noong 1908 ng Germinal Cigar Factory. Sa panahong iyon, lumalago ang mga modernong estilo sa pagpinta. Ngunit may isang pintor na taga-Europa ang naimpluwensyahan si de la Rosa. Ito ay si Courbet, pintor na pinaglaban ang Realism sa halip ng Romanticism.

Karera

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1910, dalawang taong pagkatapos itatag ang Unibersidad ng Pilipinas. Nagturo siya sa UP at naging kilala bilang guro ng dekoratibong pagpinta. Sa pagturo niya, idiniin niya ang importansya ng pagiging orihinal. Ang pagtuturo at pagpipinta ay naging sapat upang masuportahan niya ang kaniyang asawa na si Gorgonia Tolentino na pinakasalan niya noong 1900. Si Fabian de la Rosa ang naging unang Pilipinong director ng Fine Arts si De la Rosa noong 1926 at nanantili siyang director hanggang sa kaniyang kamatayan.

Noong 1928, bumalik siya sa Europa na kasama ang kaniyang asawa. Nagpinta siya sa Paris, Munich, Geneva, Rome, at Madrid, at nag-eksibit siya sa Ateneo de Madrid. Namatay siya sa Quiapo, Manila noong 1937, walang isang taong pagkatapos mamatay ang kaniyang asawa.

Ilang mga Gawa

  • Planting Rice, 1921
  • La pintora (Woman Painter), 1926
  • La bordadora (The Embroiderer), 1926
  • Landscape with Dark Trees, 1927
  • El kundiman, 1930
  • Marikina Road, 1939
  • View of Sta. Ana
  • The Death of General Lawton
  • Fishermen's Huts
  • The Sunset
  • Mr. Makiling
  • Women Washers
  • Gen. Antonio Luna
  • Filipina Girl Student

Mga Kagawaran

  • Gintong medalya para sa Planting Rice sa Internasyonal na Exposition sa St Louis, Missouri (1904)
  • Tansong medalya para sa The Death of General Lawton sa Internasyonal na Exposition sa St Louis, Missouri (1904)
  • Gawad para sa pagiging Patnubay ng Sining at Kalinangan mula sa Lungsod ng Manila noong 1968 (posthumous)

Sanggunian

Panlabas na Kawing

http://www.philippinestoday.net/index.php?module=article&view=181 Book on De la Rosa’s Life and Times Launched

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


De la Rosa De la Rosa