F. Sionil Jose

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si F. Sionil José o Francisco "Franky" Sionil José[1], isinilang noong 3 Disyembre 1924), ay isa mga pinakabantog na mga Pilipinong manunulat sa wikang Ingles.[1] Nagpapakita ang kaniyang mga nobela at maikling-kuwento ng mga sitwasyon at pakikibakang panlipunan at maging ng kolonyalismo sa Pilipinas. Naisalin ang mga gawa ni José sa 22 mga wika.[2][3][4][5]

Talambuhay

Kabataan

Si F. Sionil José ay isang Ilokanong ipinanganak sa Rosales, Pangasinan, na tagpuan sa karamihan ng kaniyang mga kuwento. Lumaki siya sa Baryo Cabugawan ng Rosales, ang bayan kung saan siya nagsimulang magsulat. Upang makatakas sa kahirapan, naglakbay ang kaniyang mga ninuno mula sa Ilokos patungo sa Lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng daan ng Santa Fe. Katulad ng ibang mga pamilyang peregrino, dinala nila ang kanilang mga mahahalagang kagamitan, kasama ang mga haliging mulawin ng kanilang mga lumang bahay at ang kanilang alsong, isang dikdikan ng mga bigas.[2][3][4][5]

Template:Quotation

Isa sa pinakamahalagang impluho kay José ang kaniyang ina, na ginawa ang lahat upang mabigyan si José ng mga paborito niyang aklat, habang sinisiguradong hindi magugutom ang kaniyang pamilya bagaman nagdaranas ng kahirapan at kawalan ng aring-lupa. Nagsimulang magsulat si José noong nag-aaral siya sa elementarya, kung kailan nagsimula siyang magbasa. Sa ikalimang grado, binuksan ng isa sa mga guro ni José ang silid-aklatan para sa mga mag-aaral, na naging dahil kung bakit nabasa ni José ang mga nobela ni Jose Rizal, ang My Antonia (Aking Antonia) ni Willa Cather, mga gawa nina Faulkner at Steinbeck. Napaluha si José nang mabasa niya ang kuwento tungkol kina Basilio at Crispin sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal, sapagkat hindi nakikilala ni José ang kawalan ng katarungan. Noong limang taong gulang na si José, umiiyak na ipinakita sa kaniya ng isang lolong naging sundalo noong kapanuhan ng pagaalsang Pilipino ang lupang dating sinasaka ng kanilang pamilya subalit kinamkam ng mga mayayamang mestisong may-lupa, na nakaaalam kung paano gamitin ang sistema laban sa mga hindi nakapag-aral at mangmang, katulad ng lolo ni José.[2][3][4][5]

Buhay bilang manunulat

Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nag-aral si José sa Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit hindi nagpatuloy at piniling magsulat at maging mamahayag sa peryodiko sa Maynila. Sa sumunod na mga taon, naging patnugot siya ng sari-saring mga palimbagang pampanitikan at pampahayagan, nagsimula siyang magtayo ng isang bahay-palimbagan, at itinatag niya ang sangang pang-Pilipinas ng PEN, isang organisasyong pandaigdigan ng mga manunulat. Tumanggap si José ng maraming mga premyo para sa kaniyang mga gawa. Ang The Pretenders (Ang mga Mapagbalatkayo) ang kaniyang pinakatanyag na nobela, na tungkol sa pagkaasiwa ng isang lalaki dahil sa kaniyang pinanggalingang kahirapan at sa karangyaan sa buhay ng mayamang pamilya ng kaniyang asawa.[2][3][4][5]

Sa kabuuan ng kaniyang karera, tinataguyod sa mga sulatin ni José ang katarungang panlipunan at mga pagbabago upang mapabuti ang mga buhay ng mga pangkaraniwang mamamayang Pilipino. Isa siya sa mga kinikilalang Pilipinong manunulat sa labas ng Pilipinas, bagaman hindi gaanong nabigyan ng pansin sa kaniyang bansa dahil sa kaniyang natatanging paggamit ng Pilipinong Ingles at sa mga pananaw niyang laban sa mga elitista.[2][3][4][5]

Template:Quotation

Sariling pag-aari ni Sionil José ang Solidaridad Bookshop, isang tindahan ng mga aklat, na matatagpuan sa kalye ng Padre Faura sa Ermita, Maynila. Nagbebenta ang tindahan ng mga aklat ng mga librong mahirap hanapin at ng mga babasahing Pilipinyana (Filipiniana). Sinasabing kinahihiligan itong puntahan ng mga lokal na manunulat.[2][3][4][5]

Mga gawa

Mga nobelang Rosales (ang Rosales Saga)

Isang serye na may limang-nobela ang saga ng Rosales, na sumasakop sa tatlong dantaon ng kasaysayan ng Pilipinas, na binabasa sa buong mundo at naisalin sa 22 mga wika:

  • Po-on (o Roots) (1984)
  • Tree (1978) ISBN 971-8845-14-3
  • My Brother, My Executioner (1973) ISBN 971-8845-16-X
  • The Pretenders (1962) ISBN 971-8845-00-3
  • Mass (December 31, 1974) ISBN 0-86861-572-2

Mga orihinal na nobelang kinapapalooban ng Saga ng Rosales

  • Dusk (1993) ISBN 0-375-75144-0
  • Don Vicente (1980) ISBN 0-375-75243-9
  • The Samsons ISBN 0-375-75244-7

Iba pang mga nobela

  • Gagamba (The Spider Man) (1991) ISBN 971536105645
  • Viajero (1993) ISBN 971884504689
  • Sins [Mga Kasalanan] (1994) ISBN 0-517-28446-4
  • Ben Singkol (2001) ISBN 971-8845-32-1
  • Ermita (1988) ISBN 971-8845-12-7
  • Vibora! (2007)
  • Sherds (2007)

Kalipunan ng mga maikling-kuwento

  • The God Stealer and Other Short Stories (2001) ISBN 971-8845-35-6
  • Puppy Love and Other Short Stories (15 Marso 1998) ISBN 971-8845-26-7 at ISBN 978-971-8845-26-4
  • Olvidon and Other Stories (1988) ISBN 971-8845-18-6
  • Platinum: Ten Filipino Stories (1983) ISBN 971-8845-22-4
  • Waywaya: Eleven Filipino Short Stories (1980) ISBN 99922-884-0-X
  • Asian PEN Anthology (bilang patnugot) (1966)
  • Short Story International (SSI): Tales by the World's Great Contemporary Writers (walang-bawas, ika-13 tomo, bilang 75) (kasamang may-akda, 1989) ISBN 1-55573-042-6

Mga tula

  • Questions (1988)

And Dula ay Isa ring Nobela (1989)

Mga sanaysay at hindi-kathang-isip

  • In Search of the Word (Palimbagan ng Pamantasan ng De La Salle, 15 Marso 1998) ISBN 971-555-264-1 at ISBN 978-971-555-264-6
  • We Filipinos: Our Moral Malaise, Our Heroic Heritage
  • Soba, Senbei and Shibuya: A Memoir of Post-War Japan ISBN 971-8845-31-3 at ISBN 978-971-8845-31-8
  • Heroes in the Attic, Termites in the Sala: Why We are Poor (2005)
  • This I Believe: Gleanings from a Life in Literature (2006)
  • Literature and Liberation (kasamang may-akda) (1988)

Mga aklat na pambata

  • The Molave and The Orchid (Nobyembre 2004)

Mga naisalin sa ibang wika

  • Po-on (nasa Tagalog, De La Salle University Press, 1998) ISBN 971-555-267-6 and ISBN 978-971-555-267-7
  • Anochecer (Littera) (nasa wikang Kastila, Maeva, Oktubre 2003) ISBN 84-95354-95-0 and ISBN 978-84-95354-95-2

Nasa mga antolohiya

  • Tong (a short story from Brown River, White Ocean: An Anthology of Twentieth-Century Philippine Literature in English ni Luis Francia, Palimbagan ng Pamantasa ng Rutgers, Agosto 1993) ISBN 0-8135-1999-3 at ISBN 978-0-8135-1999-9

Nasa mga dokumentaryong pelikula

  • Francisco Sionil José - A Filipino Odyssey ni Art Makosinski, 1996[6]

Mga premyo at parangal

Talasanggunian

Bibliograpiya

Template:BD