Eula Valdez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Eula Valdez (ipinanganak noong 1968) ay isang Pilipinang aktres. Nakilala siya sa pelikulang Bagets at nang gumanap bilang Amor Powers sa Pangako Sa 'Yo. Sumikat din siya sa mga pelikulang gawa ng Viva Films.

Sariling buhay

Nagkaroon siya ng 10 taong-gulang na anak (isinilang noong 2005) kay Ronnie Quizon.

Larangan

Matapos magpasiyang umalis mula sa ABS-CBN, lumipat siya si GMA Network para lumitaw sa ilang mga palabas.<ref>Actress Eula Valdez is now a Kapuso Star.</ref> Kabahagi siya ng darating na seryeng pantelebisyong Una Kang Naging Akin, isang Sine Novela, kasama nina Angelika dela Cruz,Alfred Vargas at Mike Tan. Ito ang pangalawa niyang mga serye sa GMA Network, at binabalak na sumahimpapawid sa Agosto 2008, pagkaraan ng Sine Novela:Magdusa Ka ni Katrina Halili.

Pilmograpiya

Pelikula at telebisyon

  • Una Kang Naging Akin
  • Kamandag (2007)
  • Maria Flordeluna (2007) serye sa TV
  • Rekados (2006)
  • Umaaraw, Umuulan (2006)
  • Nagmamahal, Kapamilya (2006)
  • Ina, Anak, Pamilya (2006)
  • Kampanerang Kuba (2005) serye sa TV
  • Noon at Ngayon... Pagsasamang Kayganda (2003)
  • Darating ang Umaga (2003) serye sa TV
  • Di Kita Ma-reach (2001)
  • Pangako sa 'Yo (2000) serye sa TV
  • Gimik: The Reunion (1999)
  • Mula sa Puso: The Movie (1999)
  • Ang Babae sa Bintana (1998)
  • Magandang Hatinggabi (1998)
  • Pagdating ng Panahon (1998)
  • Ang Pulubi at ang Prinsesa (1997)
  • Hanggang Kailan Kita Mamahalin (1997)
  • Batang PX (1997)
  • Ikaw Pala ang Mahal Ko (1997)
  • Madrasta (1996)
  • Sana Maulit Muli (1995)
  • Tumbasan mo ng Buhay (1993)
  • Dahil Mahal Kita (1993)
  • GMA Telecine Specials (1992)
  • Ready, Get Set, Go! (1992)
  • Kapag Langit ang Humatol (1990)
  • Hindi Pahuhuli ng Buhay (1989)
  • Bala... Dapat kay Cris Cuenca, Public Enemy No. 1 (1989)
  • Rosenda (1989)
  • Buy One, Take One (1988)
  • Bagets 2 (1984)
  • Bagets (1984)
  • Star Circle Quest (2006)
  • Star Circle Summer Kid Quest (2006) episodyo sa TV
  • Dolphy: A Diamond Life (2003) sa TV

Palabas na kawing