Estronsiyo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang estronsiyo o istrontiyum (Ingles: strontium, may sagisag na Sr, atomikong bilang na 38, atomikong timbang na 87.62, punto ng pagkatunaw na 769 °C, punto ng pagkulong 1,384 °C, espesipikong grabidad na 2.54, at balensiyang 2) ay isang elementong kimikal na may katangiang malambot at katulad ng pilak. Madali itong sumanib sa oksiheno, at sumisiklab kapag nahanginan. Natuklasan ito ni Adair Crawford noong 1790. Dahil sa mga katangian nito, ginagamit ito sa paggawa ng mga paputok, at maging para sa mga aloy.

Mga sanggunian