Ernie Gawilan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Si Ernie Gawilan sa Para Asian Games sa Jakarta, Indonesia

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Ernie Gawilan.

Si Ernie Agat Gawilan (ipinanganak noong 5 Mayo 1991) ay isang Pilipinong atletang siyang nakakuha ng unang gintong medalya para sa Pilipinas sa Asian Para Games. Naging kinatawan siya ng Pilipinas sa 2016 Paralympics at sa 2020 Paralympics sa Tokyo, Japan.

Kabataan at Edukasyon

Ipinanganak si Gawilan sa Barangay Paquibato sa Davao City. Ipinanganak siyang hindi kumpleto ang mga braso at binti sanhi ng hindi maayos na prenatal healthcare.

Maagang naulila si Gawilan at lumaki sa pangangalaga ng kaniyang lolo. Kinumbinsi ng negosyanteng si Vicente Ferrazzini ang lolo ni Gawilan na ipadala ito sa isang training center sa Davao City. Nang lumipat sa siyudad, nanatili si Gawilan sa pangagalaga ng Maryknoll Sisters of St. Dominic kasama ang iba pang kabataang may kapansanan. Nag-aral siya sa Holy Cross of Sasa.

Noong taong 200, dinala sa Samal Island si Gawilan sa isa pang training center ng mga madre. Dito niya sinimulan ang pagsasanay sa paglangoy.

Karera bilang Atleta

Isinali ng swimming coach na si Mark Jude Corpuz si Gawilan sa isang persons with disability (PWD) swimming team. Nag-eensayo sila sa Forest Hills Resort.

Lumahok si Gawilan sa kaniyang unang swimming competition sa 2008 Philippine Olympic Festival sa Cagayan de Oro, kung saan nakuha niya ang ikalawang puwesto. Kinumbinsi siya ng nanalo sa patimpalak na pumunta sa Maynila para maging bahagi ng national team.

Nakakuha si Gawilan ng tatlong gintong medalya at dalawang silver medal sa Asiad at nanguna sa para swimming sa buong ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) matapos makakuha ng pitong gintong medalya. Lumahok rin siya sa 2016 Paralympics sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Isang maikling pelikula ang binuo tungkol sa kaniyang paglahok sa 2016 Paralympic Games. Ipinalabas ito noong 2017 at naging runner-up sa Best Film category sa 2019 Istorya ng Pag-asa (Stories of Hope) film festival sa Pilipinas.

Si Gawilan ang nakakuha ng pinakamaraming medalya para sa Pilipinas sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia, kung saan nanalo siya ng tatlong gintong medalya at dalawang silver medals. Siya ang unang atletang Pilipinong nakakuha ng gintong medalya sa Asian Para Games.

Noong 2019, kinilala siya bilang Male Athlete of the Year ng Davao City Sports Council Incorporated at the So Kim Cheng Sports Foundation Incorporated.

Nakuha niya ang bronze medal sa 400m freestyle sa 2021 World Para Swimming World Series sa Berlin, Germany, na naging daan para makasali siya sa 2020 Tokyo Paralympics.

Si Gawilan ang kinatawan ng Pilipinas sa Para swimming Men's 200m Individual Medley SM7, Men's 400m freestyle S7 at sa Men's 100m backstroke S7. Nakuha niya ang ikasampung puwesto sa lahat ng kalahok sa Para swimming sa Paralympics.

Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.