Ernani J. Cuenco
Jump to navigation
Jump to search
Si Ernani Joson Cuenco (10 Mayo 1936 – 11 Hunyo 1988) ay isang kompositor, film scorer, musikal na direktor, at guro. Ginawaran siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1999.
Buhay
Ipinanganak siya noong 10 Mayo 1936 sa Malolos, Bulacan. Nagtapos siya ng kurso sa musika (piano at cello) sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST).
Naging miyembro siya ng Filipino Youth Symphony Orchestra at Manila Symphony Orchestra mula 1960 hanggang 1968. Kasali rin siya sa Manila Chamber Soloists mula 1966 hanggang 1970. Nagturo siya sa UST hanggang siya ay pumanaw noong 11 Hunyo 1988.
Komposisyon
Ilan sa mga isinulat niyang kanta ay ang mga sumusunod:
- Nahan, Kahit na Magtiis
- Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa
- Pilipinas
- Inang Bayan
- Isang Dalangin
- Kalesa
- Bato sa Buhangin
- Gaano Kita Kamahal
Sanggunian
- National Commission for Culture and the Arts. n.d. Order of National Artist: Ernani J. Cuenco. Accessed 29 Mayo 2021. https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/national-artists-of-the-philippines/ernani-j-cuenco/.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |