Eraserheads

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Eraserheads ay isa sa mga tanyag na banda sa Pilipinas noong unang bahagi ng dekada '90, at lumikha ng orihinal na musikang Pinoy. Kilala ang grupo sa bansag na E-heads at The Beatles ng Pilipinas. Binubuo ang banda nina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro. Ang Eraserheads ay lubos na sumikat nang magtamo ng mga parangal sa larangan ng musika. Tumagal sa loob ng labing-apat na taon ang pagsasama-sama ng pangkat. Binigyan sila ng album bilang parangal ng mga bandang sa kanila ay umiidolo.

Inilimbag din sa kauna-unahang pagkakataon sa larangan ng bandang Filipino ang kanilang libro na pinamagatang Tikman Ang Langit: An Anthology on the Eraserheads na isinulat ng labing-apat na mamamahayag.

Pagkabuwag ng Banda

Noong Marso 2002, nagpasiya ang punong bokalista ng banda na si "Ely Buendia" na humiwalay sa grupo sa kanyang pansariling dahilan. Bagaman nagulat ang ibang kasapi ng banda sa naging desisyon ni Ely ay nagpatuloy pa rin silang manatiling buo ito. Si Kris Gorra Dancel, mula sa bandang Fatal Posporos, ang pumalit bilang punong bokalista ng bandang Eraserheads.

Mga kasapi

Orihinal na kasapi (1989-2002)

Huling Grupo (2002-2003)

  • Kris Dancel - punong gitarista, gitaristang ritmo (sumapi pagkatapos umalis ni Buendia sa banda)
  • Raimund Marasigan - tagatambol, mga sampol, perkasyonista, bokalistang pang-back-up
  • Marcus Adoro - punong gitarista, bokalistang pang-back-up
  • Buddy Zabala - bahista, bokalistang pang-back-up

Diskograpiya

Awiting Komersiyal

Burger Machine (1994)

San Miguel Beer (1996)

Pepsi Megadrive Raffle Promo (1997)

Chippy

Talk N' Text - Anniversarya

  • "Toyang Anniversarya"

Sun Cellular

  • "Tindahan Ni Aling Nena" (2005)

Koleksiyon ng Awit

Publikasyon

  • Pillbox Volume 1 Number 1
Editor: Redel D. Ramos
Art Director: Cynthia F. Bauzon
Release: 1996
Published by: Pop Infinity Limited Laundry
© 1996 P.I.L.L. Corporation
  • Fruitcake
A separate companion storybook for the album Fruitcake (1996)
Story by: Eraserheads
Text by: Ely Buendia
Edited by: Jessica Zafra
Illustrated by: Cynthia F. Bauzon
Release: 1997
Published by: Anvil Publishing, Inc., Pasig City
Printed by: Cacho Hermanos, Mandaluyong City
© 1997 Eraserheads
  • Pillbox Volume 3
Editor: Marie Jamora
Art Director: Cynthia F. Bauzon
Release: 1998
Published by: BMG Records (Pilipinas) Inc.
© 1998 BMG Records (Pilipinas) Inc.

Pagkilala at Nominasyon

Rock & Rhythm Magazine:

  • Nakamit: Album of the Year - Ultraelectromagneticpop! (1993)

NU Rock Awards:

  • Nakamit: Album of the Year - Ultraelectromagneticpop! (1994)
  • Nakamit: Listener's Choice Award (1995)
  • Nakamit: Band of the Year (1995)
  • Nakamit: Album of the Year - Circus (1995)
  • Nakamit: Album of the Year - Cutterpillow (1996)
  • Nakamit: Best Music Video - "Ang Huling El Bimbo" (1996)
  • Nakamit: Song of the Year - "Ang Huling El Bimbo" (1996)
  • Nakamit: Artist of the Year - Eraserheads (1997)
  • Nakamit: Listener's Choice Award - Eraserheads (1997)
  • Nakamit: Producer of the Year - Robin Rivera for Fruitcake (1997)
  • Nakamit: Best Album Packaging - Fruitcake (1997)
  • Nakamit: Best Video - "Fruitcake" (1997)
  • Nakamit: Drummer of the Year - Raimund Marasigan (1999)
  • Nakamit: Hall of Fame (2003)
Paglilinaw: Si Ely Buendia ang tumatanggap ng pagkilala para Eraserheads

Guillermo Memorial Award:

  • Nakamit: Most Favorite Band (1995)
  • Nakamit: Most Popular Group/Singer/Entertainer (1997)

Monster Radio 93.1 : Countdown Top 7:

  • Nakamit: Band of the Year (1997)

Awit Awards:

  • Nakamit: Album of the Year - Cutterpillow (9th Awit Awards)
  • Nakamit: Best Alternative Recording : Fruitcake (10th Awit Awards)
  • Nakamit: Album of the Year - Sticker Happy (1998}
  • Nakamit: Best Performance by a Group/Duo - "Pop Machine" (2000)

Katha Music Awards:

  • Nakamit: Album of the Year - Cutterpillow (2nd Katha Music Awards)
  • Nakamit: Best Rock Album - Cutterpillow (2nd Katha Music Awards)
  • Nakamit: Best Rock Song - "Ang Huling El Bimbo" (2nd Katha Music Awards)
  • Nakamit: Best Rock Group - Eraserheads (2nd Katha Music Awards}
  • Nakamit: Best Rock Vocal Performance - "Fruitcake" (3rd Katha Music Awards}
  • Nakamit: Best Album Packaging - Fruitcake (3rd Katha Music Awards}

Parangal Ng Bayan Award:

  • Nakamit: Best Group Performer Award (1997)

MTV Video Music Awards:

  • Nakamit: Viewer's Choice Award for Asia - Eraserheads' "Ang Huling El Bimbo" (1997)
Karagdagang impormasyon: Ito ang kauna-unahan at tanging pagkakataon na nakamit ng artistang Filipino ang pagkilala

Parangal Ng Bayan Award:

  • Nakamit: Best Group Performer Award (1997)

MTV Pilipinas:

  • Nakamit: Lifetime Achievement Award (2004)
Karagdagang impormasyon: Nagkaroon ng espesyal na parangal-pagtatanghal (tribute performance) ang mga lokal na mang-aawit at banda tulad nina Jimmy Bondoc, Paolo Santos, Nyoy Volante at Barbie's Cradle, tampok ang isang medley ng mga awiting "Ligaya," "Alapaap," "Kaliwete, and "Magasin"

Album na parangal sa Eraseheads

Mga album na parangal na hindi kabilang ang mga kasapi ng Eraserheads.

  • Ultraelectromagneticjam
  • Ultraelectromagneticjam volume 2

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


The Eraserheads The Eraserheads The Eraserheads The Eraserheads The Eraserheads The Eraserheads