Enchanted Kingdom

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Tanawing panghimpapawid ng Enchanted Kingdom mula sa ruwedang Wheel of Fate

Ang Enchanted Kingdom o ipinaikli bilang EK ay isang theme park sa Pilipinas na matatagpuan sa Santa Rosa, Laguna. Ito ay may lupain na 17 hektarya (41 acre). Ang lugar ay pinatatakbo at pinamumunuhan ng Enchanted Kingdom Inc.

Kasaysayan

Taong 1995

Ang theme park noong Enero 2015, kabilang ang Wheel of Fate, ang ruwedang sa likuran

Itinatag nina Mario at Cynthia Mamon ang parke. Ang kanilang pamilya ay palagiang pinupuntahan ang mga theme park katulad ng Boom na Boom, Big Bang sa Alabang, at ang Fiesta Carnival na nagdulot sa pagtatag ng mag-asawa ng kanilang sariling theme park. Sumulat sila sa iba't ibang mga grupo at sinalihan ang International Association of Amusement Parks and Attractions na tumulong sa kanila na makakuha ng mga consultant, kontraktora at mga taga-suplay para maitayo ang Enchanted Kingdom.[1] Ang Enchanted Kingdom ay nagbukas noong 19 Oktubre 1995.[2][3]

Nakaranas ng kahirapan ang mga operasyon ng Enchanted Kingdom sa mga una nitong taon mula 1995-2002, Ang krisis pinansyal Asyano ng 1997 ay nakaapekto sa negosyo at nakabawi lamang mula sa problemang pinansyal noong 2003.[1] Nang naging maayos na ang negosyo, nagsimula ang pamamahala ng Enchanted na magpakilala ng dalawang bagong ride o aliwan bawat taon. Lumago ang negosyo at nagtala ng pinakamataas na pagbisita sa isang amusement park sa umaga sa Rehiyon IV (Calabarzon at Mimaropa) mula sa Kagawaran ng Turismo ang Enchanted. Karamihan sa mga bisita ng Enchanted Kingdom ay domestiko o mula sa loob ng bansa.[2]

Mga insidente

Noong 2007, nagkaroon ng insidente sa "Space Shuttle Max" kung saan ang tren ng sasakyang rodilyo ay tumigil sa bahaging Cobra Roll ng ride. Ang mga nakasakay nang mangyari ang insidente ay mga mag-aaral mula sa Batangas na nasa lakbay aral. Kasunod nito, pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng Space Shuttle para sa isang pagkukumpuning teknikal. Ibinukas muli ang ride sa publiko at binago ang pangalan nito sa Space Shuttle Max sponsored by Pepsi-Cola Philippines (lit. Space Shuttle Max handog ng Pepsi-Cola Philippines).[4]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Ubaldo, Aye (Enero–Abril 2015). "A leap of faith, a lifetime of memories". PANA AdEdge (in Ingles). Philippine Association of National Advertisers. 11 (1): 53–55. Check date values in: |accessdate= and |date= (help); |access-date= requires |url= (help)CS1 maint: unrecognized language (link)
  2. 2.0 2.1 Ubaldo, Aye (Ebero–Abril 2015). "The real magic emanates from middle-class Merlin". PANA AdEdge (in Ingles). Philippine Association of National Advertisers. 11 (1): 44–45. Check date values in: |accessdate= and |date= (help); |access-date= requires |url= (help)CS1 maint: unrecognized language (link)
  3. Overview of EK (Ingles). Enchanted Kingdom. Retrieved on Nobiyembre 28, 2015.
  4. Space Shuttle reopens at Enchanted Kingdom. GMA Network. Retrieved on Nobiyembre 3, 2012.