Encantadia

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Encantadia ay isang pantasyang teleserye (telefantasya) na palabas ng GMA Network. Spin-off ito ng katulad din na telefantasya — ang Mulawin.

Tingnan Din

Ito ay isang trilohiya ng kasaysayan ng Encantadia, isang lugar ng pantasya. Ang mga ito ay ang:

  1. Encantadia
  2. Etheria, ang ikalimang kaharian ng Encantadia
  3. Encantadia, pag-ibig hanggang wakas

Mga Kaharian sa Encantadia

Ang Kaharian ng Encantadia ay nahahati sa apat na kaharian:

Lireo

Ang Lireo ay makikita sa silangang bahagi ng Encantadia sila tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin. Ito ay itinatag ng unang reyna ng lireo na si Cassiopea. Si Cassiopea rin ang tumulong sa pagkawala ng Etheria at kasama sa konseho ng Encantadia. Sa simula ng serye si Mine-a kung saan ay sinundan ng kanyang anak na babae na si Amihan, na kalaunan ay humalili sa kanya bilang bagong reyna ng mga diwata. si pirena ay nagkaroon ng matingding hangarin maagaw ang korona na dapat ay sa kanya,kaya nagtagumpay siya kunin ang brilyante ng apoy sa mga diwata.doon nagsimula ang unang digmaan sa lireo.

Sapiro

ang Sapiro ay makikita sa hilagang bahagi ng Encantadia sila ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa.ito ay itinatag ni haring meno ng sapiro. si haring meno ay kasama sa konseho ng encantadia.kapatid ni asval na tumulong kay ybbrahim para malaman ang itinatagong lihim ng kaharian ng sapiro.nagkaroon ng anak na si armeo na naging sumunod na hari ng sapiro, at dahil kay bathala binigyan siya ng pabuyang handog ang kabilan.

Adamya

Epekto ng Encatadia sa Kulturang Popular sa Pilipinas

Ang Encatadia ay talagang nakakaapekto hindi lang sa damdamin ng mga Pilipino kundi pati na rin sa trend ng panunuod ng tao. Ngayon, ang tao ay nahuhumaling sa mga palabas na may mahika, lumilipad na mga enkantada, mga kapangyarihan ng apoy, tubig, hangin at lupa, pati na rin ang mga gawi at lengguahe ng palabas na tinatawag na enchanta.

Kaya naririnig na sa mga tao ang mg salitang avisala, pashnea, at iba pa.

At sa loob ng isang taon, napamahal na sa Pilipino ang tinaguriang nangungunang telefantasya sa bansa. Matapos ang isang taon, namaalam na sa ere ang Encatadia, pero ang mga alaala ng palabas ay hinding-hindi nating makakalimutan.

Sanggunian