Elpidio Torres

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Elpidio Torres ay isang dibuhista sa komiks na nagmula sa pamilya ng mga alagad ng sining at naging bantog dahil sa mga akdang kanyang iginuhit gaya ng Dyesebel at Bondying.

Talambuhay

Si Elpidio Torres ay ipinanganak noong Setyembre 2, 1925 sa Tondo, Maynila. Nag-aral siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas at nagsimulang maglingkod ng walang kontrata sa Kenkoy Komiks at Bulaklak Magazine.

Ikinasal siya kay Lydia Gatmaitan at nagkaroon sila ng walong anak.

Nang umanib siya sa ACE Publication, naging katuwang siya ni Mars Ravelo sa paggawa ng hindi malilimutang mga kwento tulad ng Dyesebel, Bondying, Mambo Dyambo, Eternally, Booma, Jack N Jill at marami pang iba. Iginuhit din niya ang mga karakter sa mga nobelang tulad ng Robina para sa Redondo Komiks at nagkaroon ng lingguhang kabanata ng Planet X sa parehong limbagan.

Nagmula si Torres sa lahi ng mga alagad ng sining. Ang kanyang ama ay isang manlililok, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jet ay isang pintor at dibuhista samantalang ang kanilang bunsong kapatid na si Menny ay isang kartonista. Ang kanyang paboritong pintor ay si Amorsolo, Botong Francisco at Mauro Malang. Maliban sa komiks, nahumaling din si Toress sa pagpipinta. Nag-aral din siya ng elektroniks at mahilig siyang maglaro ng chess at basketbol.

Gawa

  • Roberta
  • Booma
  • Dyesebel
  • Bondying
  • Gog
  • Dodol Trobol
  • Robina
  • Planeta X
  • Mambo Dyambo
  • Eternally
  • Jack N Jill
  • Planet Eye
  • Mr. Incredible

Panlabas na Kawing

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.