Ehra Madrigal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Geralyn Madrigal Gaspar, na kilala bilang si Ehra Madrigal, ay isa sa mga inaabangang aktor sa siyobis ngayon dahil sa husay sa pag-arte bukod sa pagkakaroon ng magandang mukha at maanyubog na katawan. Siya ay nasa ilalim ng pangangalaga ni Annabelle Rama at ng GMA Network.

Pinagmulan

Ipinananganak sa Lungsod ng Quezon noong 25 Hunyo 1985 si Ehra. Nakatatandang kapatid siya ng sumisikat na ring artista ngayon na si Michelle Madrigal. Bago pumasok sa mundo ng siyobis, siya ay naging modelo sa rampa at lumabas sa mga patalastas sa telebisyon.

Mga Patalastas na Tinampukan

  • Cheese Dale Spread
  • Shakeys
  • Smart
  • Serg Chocolate
  • San Miguel Beer
  • Charap Columbia Biscuits

Pagpasok Sa Siyobis

Nang inalok siya kung gusto niyang pumasok sa larangan ng pag-arte ay hindi na siya nagbantulot pa sapagkat noong panahon na iyon ay hindi sapat ang kinikita ng kaniyang ina upang matustusan ang pangangailangan ng buong pamilya at nais rin ni Ehra na maalis ang pagiging mahiyain niya.

Sa kasalukuyan ay bahagi siya ng programang Kamandag, na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Ginagampanan ni Ehra ang papel si Ditas. Siya rin ang tampok na modelo ng kalendaryo ng Tanduay, inuming nakalalasing para sa taong 2008.

Sanggunian