Editoryal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang editoryal o pangulong-tudling ay maituturing na isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng isang pahayagan. Taglay ng editoryal ang kurokuro o opinyon ng buong pahayagan ukol sa isang mahalagang isyung-panlipunan. Ito ang kumakatawan sa paninindigan ng buong pamatnugutan ng pahayagan. Dahil dito, ang editoryal ay itinuturing na kaluluwa ng pahayagan.

Uri ng Editoryal

Ilan sa mga uri ng editoryal na mababasa sa pahayagan ay ang sumusunod:

  • Editoryal na naglalahad – Ipinaaalam sa mga mambabasa ang kahalagahan ng isang pangyayari. Binibigyanglinaw rito ang isang isyu o pangyayari upang maiwasan ang kalituhan ng mga mamamayan.
  • Editoryal na nangangatwiran – Kritikal na pagpuna sa isang kalagayan, tao, o paraan ng pag-iisip. Layunin nitong makuha ang paniniwala ng ibang tao at makapaglunsad ng isang pagbabagong panlipunan.
  • Editoryal na naglalarawan – Binibigyang-diin rito ang kabayanihang nagawa ng isang tao o pangkat ng mga tao. Maaari din itong magbigay-pugay sa isang taong namayapa na may pambihirang kabutihan o kabayanihang nagawa para sa kapuwa o bansa.
  • Editoryal na tumututol – Paglalahad ng sariling panig, paniniwala, o opinyon na maaaring pagtutol ukol sa isang isyu. Layunin nitong nmahikayat ang mga mambabasa.
  • Editoryal na nagbibigay-aliw – Ang paglalahad ng isyu o paksa ay nasa himig ng biro o pagpapatawa kaya nakapagdudulot ito ng tuwa sa mga mambabasa.
  • Editoryal para sa espesyal na okasyon – Ipinaliliwanag ang kahalagahan ng isang okasyon sa buhay ng mga tao.

Sanggunian

Jose A. Arrogante. Retorika sa Mabisang Pagpapahayag. Navotas: Navotas Press, 2010. mp. 198–201.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.