Edilberto Evangelista

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Edilberto Evangelista ay isang bayaning Pilipino at kasapi sa paksiyong Magdalo na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Si Evangelista ay ipinanganak noong 24 Pebrero 1862 sa Sta. Cruz, Maynila kina Agaton Evangelista, isang panday, at ni Faustlna Toribio. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Colegio de San Juan de Letran at ginawaran ng Medal of Exellence sa Matematika. Dahil sa suliraning pangkalusugan, hindi niya naituloy ang kursong medisina. Gayunman, siya ay naging guro at mangangalakal ng báka at tabako. Nagtrabaho rin siya bilang kontraktor ng mga pampublikong proyekto.

Nagtapos siya bilang inhenyero at arkitekto sa Unibersidad ng Ghent na may pinakamatas na pagkilala. Nang magbalik siya sa Pilipinas, nadakip siya at kinulong ngunit nakatakas. Sumali siya sa grupo ni Aguinaldo at naging heneral na nakilala sa kaniyang katapangan at pagiging kalmado sa gitna ng labanan.

Nasawi siya sa Labanan sa Tulay ng Zapote noong 17 Pebrero 1897.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.