Edgardo Vazquez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Edgardo G. Vazquez (1951 - ) ay kilala bilang imbentor ng pre-fabricated fence na Vazbuilt na ginamit na pader sa ilang expressway sa Luzon. Nakatanggap ito ng parangal na World Intellectual Propert Organization Gold Medal noong 1995.

Nagtapos ng kanyang kursong Bachelor of Science in Commerce sa San Beda College Si Edgardo. Nagtrabaho sa sariling tindahan ng mga gamit pang konstruksyon, at doon niya napag-alaman na lubha palang napakamahal ng mga materyales para pampatayo ng bahay. Ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na makapagdisenyo ng isang bahay na halos kalahati ang kamurahan mula sa regular na bahay. Nakilala ang kanyang disenyo bilang Vazbuilt. Maaaring mabuo ang bahay na ito sa loob lamang ng 14 hanggang 30 araw depende sa modelo. Ang Vazbuilt ay madaling mabuo katulad ng laruang Lego. Maaari rin itong kalas-kalasin at ilipat sa ibang lugar na titirhan. Higit pa rito, ang Vazbuilt, ayon kay Edgardo ay matibay laban sa anay, lindol, sunog, at bagyo. Dahil dito, ang Vazbuilt ay nabilang sa isa sa pinakamagagaling na korporasyon (top 1,000) sa Pilipinas.

Sanggunian

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Edgardo Vazquez. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.