Eddie Gutierrez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Eddie ay tinaguriang long-legged noong dekada 60s dahil sa kanyang katangkaran. Ginawan din siya ng pelikula ng kanyang estudyo ang Sampaguita Pictures at ito ay Eddie Long Legs kung saan nagtambal sila ni Gina Pareno sa kauna-unahang pagkakataon noong 1964.

Si Eddie ay nagsimula noong huling dekada ng 50s kung saan pasama-sama lamang siya sa mga pelikula nina Romeo Vasquez at Juancho Gutierrez. Matatandaang si Eddie ay gumanap bilang anak ni Lolita Rodriguez na pinatay sa pelikulang Batas ng Alipin at isa sa mga barkada ni Tito Galla sa pelikulang Baby Bubut kapwa taong 1959.

Pagkatapos ng tambalang Susan-Romeo ay umeksena si Eddie at sila na ang naging popular na magkatambal noong gitnang dekada 60s dahil si Romeo Vasquez ay tuluyang nilisan ang Sampaguita Pictures at gumawa ng ibang pelikula sa labas ng kanyang produksyong kinasikatan.

Tunay na Pangalan

  • Eduardo Gutierrez

Kapanganakan

Mga Supling

Pelikula

Sanggunian

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Eddie Gutierrez. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.