Eat Bulaga

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Eat Bulaga ay isang palabas sa tanghali na ipinrodyus ng Television And Production Exponents Inc. (TAPE) na pagmamay-ari nina Malou Fagar at Tony Tuviera. Ang programang ito ay ang pinakamatagal na variety show sa telebisyon ng Pilipinas. Hawak din nito ang tala sa pinakamaraming bilang ng mga yugtong ginanap nang sa kasalukuyang oras. Ito ay ipinapalabas sa GMA Network sa oras na alas dose ng tanghali mula Lunes hanggang Sabado. Ito ay sumasahimpapawid mula sa istudyo ng TAPE sa Broadway Centrum sa Lungsod ng Quezon.

Pinagmulan

Ang Eat Bulaga ay nagsimula noong ika-30 ng Hulyo 1979 sa Radio Philippines Network (RPN) sa Diliman, Lungsod Quezon.

Eat Bulaga premiered on July 30, 1979 on Radio Philippines Network at Broadcast City, Diliman, Quezon City. Ibinigay ng RPN ang ideyang ito sa TAPE. Sa panahon na iyon, sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang mga pinakasikat na komedyante sa pelikula. Kung kaya naman sila ang naisipang kunin bilang mga punong abal sa palabas na ito. Isinama pa sa kanila ang mga kadalasan din nilang kasama na sina Chique Hollman at Richie Reyes na mas kilala rin bilang si Richie d' Horsie.

Ang programang ito ay nagbigay ng napakaraming mga konsepto sa telebisyong pampilipino na hindi nagtagal ay ginamit na rin ng mga sumunod na mga kalabang programa. Ngunit naging matatag ang Eat Bulaga at hindi pa rin natalo ng iba. Sa halip, ito ay patuloy na kinilala ng iba't ibang mga gawad mula sa mga organisasyon sa loob at labas ng bansa.

Noong 1989, dahil sa mga pinagdaanan ng RPN, lumipat ang programang ito sa ABS-CBN kasama ng ilan pang mga palabas na pinrodyus ng TAPE katulad ng Agila, Coney Reyes on Camera at Okay Ka Fairy Ko! (mula sa IBC) at nakatulong upang mapalakas ang pagpoprograma ng istasyon na ito. Ang simula ng pagpapalabas ng Eat Bulaga sa bago nilang tahanan ay noong ika-18 ng Pebrero 1989 at sa pagkakataong ito, ang programa ay ginanap sa Araneta Coliseum.

Taong 1992 nang umalis sa Tito Sotto sa programang ito matapos siyang magdesisyong kumandidato sa pagka-senador na matagumpay naman niyang nakamit. Siya ang senador na may pinakamaraming boto sa eleksyon noong Mayo. Subalit sa kabila ng kanyang pag-alis sa programa, nagagawa niya pa ring bumisita at magpakita sa programa sa ilang mga natatanging okasyon. Naupo siya sa Senado sa loob ng dalawang termino, mula 1992 hanggang 1998, at mula 1998 hanggang 2004. At sa kanyang huling taon sa Senado, bumalik siya sa Eat Bulaga isang beses sa isang linggo, kadalasan ay sa araw ng Sabado.

Lumipat muli ang palabas sa panibagong istasyon, sa pagkakataong ito sa GMA na dahil na rin sa katotohanang nais bilhin ng ABS-CBN ang karapatan sa pag-ere ng Eat Bulaga mula sa TAPE, Inc. Nang hindi pumayag sina Malou Choa-Fagar at Tony Tuviera, napilitang umalis ang programang ito kasama pa ang iba, tulad ng Valiente at Okay Ka fairy Ko! mula sa mga programa ng istasyon at nagdesisyong baguhin ang anyo ng pang-Linggong palabas na Sa Linggo nAPO Sila patungo sa isang linggong palabas na tinawag na 'Sang Linggo nAPO Sila. Nagsimula ang pagpapalabas ng Eat Bulaga sa GMA noong ika-21 ng Enero 1995, muli sa Araneta Coliseum.

Ipinagdiwang ng Eat Bulaga ang ika-25 taon nito sa telebisyon noong Oktubre ng 2004 sa Expo Amphitheater sa Clarkfield, Lungsod Angeles, Pampanga, na naging patunay ng pagiging pinakamatagal nang programa sa telebisyon sa Pilipinas. Ang natatanging selebrasyon na ito ay dinaluhan ng humigit-kumulang 60,000 na katao at nakakuha ng pinakamataas na pang-araw na reyting sa Pilipinas. Ito rin ay kinilala at nagwagi sa Asian Television Awards sa bansang Singapore noong unang araw ng Disyembre 2005. Ang pangyayaring ito ay tinawag na pinakamatagumpay na kaganapan sa telebisyon sa pampilipinong telebisyon at nasundan lamang ng unang StarStruck Final Judgement.

Disyembre ng 2004 nang pumirma ang GMA sa limang karugtong na taon upang manatili ang programa sa kanilang istasyon hanggang ika-29 ng Disyembre 2009. Matapos ipagdiwang ang ika-25 na taon nito, ang sumunod namang selebrasyon ay ang ikasampung taon nila sa GMA nang sumunod na taon.

Sa loob ng ilang taon, inakala ng mga taong magbabalik ang programa sa ABS-CBN o hindi kaya'y lilipat naman sa ABC sa tuwing ang kontrata nito sa GMA ay nalalapit na ang pagtatapos. Ngunit sa mga panayam sa mga ehekutibo ng GMA na sina Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit - sinabi ng GMA ang kanilang kagustuhang manatili ang programa habang kaya pa nila at walang bakanteng oras sa ibang istasyon ng telebisyon at upang hayaang tumaas pa ang reytings ng programang ito. Si Joey de Leon naman, isa sa mga matatagal ng kasama sa Eat Bulaga, ay subok na ang pagtitiwala at pagiging tapat sa GMA. Kung kaya naman, itinuturing siya bilang isang mahalagang bahagi sa pagitan ng Eat Bulaga at GMA.

Ang Eat Bulaga ay itinuturing ng nakakarami bilang isa nang institusyon - dahil na rin sa pagiging daan ng iba't ibang mga Pilipinong komedyante at mga nagsisimula pa lamang sa syobis na nagtagumpay sa pamamagitan ng palabas na ito. Isang malaking karangalan rin sa kanila ang pagkakapanalo laban sa Tsunami Aid na ispesyal ng MTV sa Asian Television Awards.

Noong 2006, ang isa pang bahagi ng programa na nakapaghatak pang lalo sa mga manonood, ang SexBomb Girls ay umalis sa programang ito dahil na rin sa mga hindi pagkakaintindihan sa mga prodyuser nito.

Buwan ng Enero 2007 naman nang umalis si Gladys Guevarra upang sumailalim sa isang therapy. At Mayo ng taon ding iyon kinailangan ding umalis pansamantala ng ilan pang mga miyembro ng mga host nito na sina Tito Sotto, Anjo Yllana at Teri Onor nang kumandidato sila sa iba't ibang puwesto sa gobyerno. Nakaapekto rin ito kahit paano sa kabuuan ng palabas. Sina Sotto ay Yllana ay tumakbo muli. Ngunit sa pagkakataong ito ay natalo sila sa mga mahihigpit na kalaban. Si Onor naman ay nanalo bilang Bise Alkalde ng Abucay, Bataan. Ang mga kasali naman sa mga host ng Eat Bulaga ay nabawasan, ang ilan ay dahil sa pag-alis talaga ng mga ito ngunit ang iba naman ay natapos na ang kontrata. Ilang beses na ring natalo ang programang ito ng mga katunggali pagdating sa reytings, ngunit hindi nagtatagal ay nakakabawi rin. Ito ay isa na ring pagpapatunay na isa na ngang institusyon ang Eat Bulaga.

Mga Tampok na Host

Pangunahin

  • Tito Sotto-(1979-kasalukuyan)
  • Vic Sotto-(1979-kasalukyan)
  • Joey de Leon-(1979-kasalukuyan)

Mga Kasalukuyang Kasama

Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More!

Host

  • Tito Sotto
  • Vic Sotto
  • Joey de Leon
  • Marian Rivera-Dantes
Player 1 Player 2 Won
Aiza Seguerra Paolo Ballesteros Paolo Ballesteros
Pauleen Luna Julia Clarete Julia Clarete
Pia Guanio Anjo Yllana Pia Guanio
Ruby Rodriguez Alden Richards Ruby Rodriguez
Allan K. Jimmy Santos Allan K.
Ryzza Mae Dizon Wally Bayola
Patricia Tumulak Yaya Dub
Keempee de Leon Sam Y.G
Michael V. Jose Manalo
Ryan Agoncillo Dabarkad Host Indonesia

Featuring

  • EB Babes (tuwing Mattes hanggang Huwebes at hanggang Sabado)-(2006-kasalukuyan)
  • Team Isumeño-(2010-kasalukuyan)
  • Sixbomb-(2014-kasalukuyan)
  • Dasuri Choi-(2014-kasalukuyan)
  • Aaron DeTommaso-(2015-kasalukuyan)
  • Dae Hyuk Lee-(2015-kasalukuyan)
  • Tuck in Boys-(2015-kasalukuyan)

Former-co host

  • Francis Magalona
  • Toni Rose Gayda
  • Isabelle Daza
  • Valerie Weigmann
  • Diana Menezes
  • Lougee Basabas
  • BJ Forbes
  • SexBomb Girls (tuwing Lunes at Biyernes)
  • Ho & Ha (mga kasama ni Jose)
  • The Manager
  • Twinky (sa bahaging "On the Spot")
  • Ariana Barouk

Mga Kasalukuyang Bahagi ng Programa

Mga Karangalan

  • PMPC Star Awards for Television:

- Best Variety Show (1989-2007)

  • 2005 Asian Television Awards:

- Best Entertainment Program (para sa Eat Bulaga Silver Special)

Panlabas na Kawing

Sanggunian