Eastern Samar

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Silangang Samar (opisyal na pangalan: Eastern Samar) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Borongan ang kapital nito at matatagpuan sa silangang bahgai ng pulo ng Samar. Napapaligiran ito ng Hilagang Samar at sa kanluran nito ang Lalawigan ng Samar. Nakaharap ang Silangang Samar sa Dagat Pilipinas sa silangan, at Golpo ng Leyte sa timog.

Ekonomiya

Gumagawa ang lalawigan ng Copra at nangangalakal palabas ng batang (Filipino: troso). Kabilang sa lokal na agrikultura ang mais, bigas, tubo, at iba't ibang mga gulay.

Kasaysayan

Naging lalawigan ang Silangang Samar sa bisa ng Republic Act No. 4221 noong Hunyo 19, 1965.

Heograpiya

Demograpiya

May kabuuang populasyon ang lalawigan na 461,300 ayon sa senso noong 2010. Wikang Waray-Waray ang pangunahing wika sa lalawigan.

Pisikal

May sakop na kabuuang sukat na 4,470 km2 ang lalawigan. Naghahanggan ito sa hilaga sa Hilagang Samar, sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Samar sa kanluran, at sa timog ng Golpo ng Leyte.

Pagkakahating Administratibo

Nahahati ang Silangang Samar sa 22 bayan at isang lungsod.

Lungsod

Mga Bayan