EDSA Shrine

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang EDSA Shrine (Our Lady of Peace Quasi-Parish) ay matatagpuan sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Isa itong maliit na simbahang itinayo bilang tanda ng naganap na mapayapang aklasang bayan (People Power Revolution) noong 1986, na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa pook na kinatitirikan ng nasabing dambana naganap ang pagtitipon-tipon ng iba't ibang samahang iba't iba ang uri at ideolohiya, na pawang kumilos upang iligtas ang nagkudetang pangkat nina Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Sandatahang si Juan Ponce Enrile.

Makikita sa EDSA Shrine ang malaking bronse ng estatwa ni Birheng Maria. Noong 2001, naganap ang EDSA Dos (People Power II), na nagpatalsik sa dating Pangulong Joseph Estrada, dulot ng kudeta ng militar at pakikisangkot ng mga puwersang makagitna. Ilang beses mauulit ang pagtatangka para sa EDSA Tres at EDSA Kuwartro, ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis na sinupil ng sandatahang lakas na naging matapat sa administrasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sanggunian