E. Arsenio Manuel

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si E. Arsenio Manuel ay isang historyador, antropologo at gurong Filipino na kilala sa kaniyang natatanging ambag sa antropolohiyam, kasaysayan, literatura at lingwistika sa Pilipinas. Sa loob ng kaniyang tatlong dekadang pagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas ay nakapagsulat siya ng koleksyon ng mga epikong Filipino, kabilang na ang mga epiko mula sa mga grupong Manuvu, Matigsalug at Ilianon. Tinatawag rin siya bilang "Dean of Filipino Anthropology" at "Father of Philippine Folklore".

Kinilala si Manuel bilang isang national scientist noong 1991. Natanggap rin niya ang Gawad Para sa Sining mula sa Cultural Center of the Philippines noong 1989, at ang Dangal Alab ng Haraya award mula sa National Commission for Culture and the Arts noong 2000.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.