Duhat

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Duhat (Syzygium cumini) ay isang prutas na nakatanim sa buong bansa at saganang pinipitas tuwing Abril hanggang Hunyo. Ito ay dinala ng Malaysia sa Pilipinas noong unang panahon, at mula noon, ito ay isa na sa mga prutas na kinahihiligan ng mga Pilipino. And duhat ay tinatawag ding Lumboy ng mga Ilonggo; Dungboi ng mga Igorot; at Lomboi ng mga Bikolano, Ilokano, Ibanag at Kapampangan.

Katangian

Ang puno ng duhat ay may taas na walo hanggang 20 metro at may mabangong bulaklak na kulay rosas, matingkad na dilaw o puti. Ang pamumulaklak ng puno ay nagsisimula sa huling linggo ng buwan ng Marso at ito ay ganap na namumukadkad sa ikalawang linggo ng Abril.

Ang bunga ng puno ng duhat ay pahaba na may haba na isa hanggang dalawang sentimetro, at naglalaman ng isang buto. Ang kulay ng bunga ay berde kapag ito ay hilaw pa, at nagiging madilim na kulay ube kapag ito ay hinog na. Ang laman nito ay abuhin na kulay puti, madagta at lasang manamis-namis.

Ang malaking uri ng duhat ay tinatawag na “kinalabaw” samantalang ang duhat na walang buto ay tinatawag na “Bulacan” sapagkat ito ay natuklasan sa Baliwag, Bulakan noong 1916.

Gamit

Bilang halamang gamot

  • Para sa malimit na pagbabawas, gamitin ang malamang bahagi ng bunga.
  • Para sa pamamaga ng gilagid: gumamit ng 1% ng pinakuluang balat ng puno bilang pangmumog.
  • Para sa mga sugat: gamitin ang pinakuluang balat ng puno bilang panghugas sa sugat.
  • Ang bunga ng duhat ay mabisang lunas din para sa diabetes.

Iba pang gamit

  • Ang bunga nito ay maaaring gawing alak.


Sanggunian

  • Fernandez, Doreen G. Fruits of the Philippines. Makati: Doreen G. Fernandez and Bookmark, Inc., 1997.
  • Duhat. (Hinango noong 12 Mayo 2008).
  • Duhat. (Hinango noong 12 Mayo 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.