Donya Maria

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Donya Maria ay ang bunso sa tatlong anak ni Haring Salermo. Kapatid siya nina Donya Juana at Donya Isabella. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya umano ang pinakamabait at pinakamaganda.

May kapangyarihan siyang gumamit ng puting mahika. Dahil sa kaniyang pagmamahal kay Don Juan, tinulungan niya ito sa mga pagsubok na binigay sa kaniya ni Haring Salermo: sa tinapay, sa paghuli ng mga Negrito, sa paglipat ng bundok, sa pagtayo ng kastilyo, sa paghanap ng singsing sa ilalim ng dagat. Pinapahirapan niya ang kanyang sarili para kay Don Juan. Sa huli, napangasawa niya si Don Juan at sila’y naging hari at reyna ng Reyno de Los Cristales.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.