Don Rafael Ibarra

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Don Rafael Ibarra ay ang ama ni Crisostomo Ibarra sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ang pinakamayaman sa buong lalawigan sapagkat siya'y nagmamay-ari ng malawak na lupain kung kaya't hinahangaan at pinagkakautangang-loob ng halos lahat ng mga taga-San Diego. [1]

Siya ay kagalit ng mga prayle sapagkat naiiba ang kanyang pananaw sa relihiyon at sa Diyos. Dahil dito, pinaratangan siya bilang isang ”filibustero” at ”erehe” dahil umano sa paglabag sa utos ng simbahan tulad ng hindi pangungumpisal. Ang kanyang pagkapiit at pagkamatay ay pinangunahan ni Padre Damaso at ginatungan ni Padre Salvi. Namatay siya sa bilangguan at hindi binigyan ng Kristiyanong libing.


Panlabas na Kawing

Sanggunian

  1. Jose Rizal, Noli me Tangere, isinatagalog ni Pedro Gatmaitan (Manila: P.Sayo Bookstore, 1948) p.55, hinango noong: 30 Mayo 2011


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.