Dominador Cepeda

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Dominador Cepeda.

Si Dominador Cepeda ay isang abogadong Pilipino na naging chairman ng Games and Amusements Board (GAB) at commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagsilbi bilang GAB chairman si Cepeda mula 1994 hanggang 2001 sa ilalim ng administrasyon nina Pangulong Fidel V. Ramos at Joseph Ejercito Estrada. Sa panahon ng kaniyang pamumuno, isinagawa ang World Boxing Seminar sa Manila Hotel mula ika-4 hanggang ika-6 ng Hulyo 1996. Nagkaroon rin ng maraming world boxing champions ang bansa sa ilalim ng kaniyang termino bilang chairman ng GAB. Kabilang sa mga boksingerong ito sina Luisito Espinosa, Gerry Peñalosa, Eric Jamili, Malcolm Tunacao, Joma Gamboa at Manny Pacquiao.

Naging tagapangulo rin si Cepeda ng Oriental and Pacific Boxing Federation. Noong 2001, naging legal counsel siya ng WBC Asia.

Pumanaw si Cepeda noong ika-2 ng Mayo 2021 sa edad na 86.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.