Dolores Ramirez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Dolores A. Ramirez (1931 – ) ay kilala sa kanyang kontribusyon ukol sa pag-aaral ng mga komposisyon (Cells and Genes) ng mga halaman, partikular ang makapuno. Pinarangalang "Pambansang Siyentipiko" para sa Biochemical Genetics at Cytogenerics noong 1997.

Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna noong Setyembre 30, 1931.

Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Agriculture mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1956. Napagtagumpayan ang kanyang Master of Science in Cytogenetics mula sa Unibersidad ng Minnesota noong 1958 at Ph. D. Major in Biochemical Genetics mula sa Unibersidad ng Purdue sa Estados Unidos taong 1963.

Kinilala ang kanyang mga pananaliksik tungkol sa cytogenetics (study of cells and genes) ng iba't ibang pananim ng Pilipinas.


Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Dolores Ramirez. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.