Doktor Satan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Sinulat ni Mateo Cruz Cornelio, ang Doktor Satan ay nobelang umiinog sa doble-bisang idinudulot ng imbensiyong pang-agham sa buhay ng kapuwa doktor at pasyente. Inilahad ang pagsisikap ni Dr. Alberto Estrella na pagalingin mula sa malubhang karamdaman ang kaniyang ina, at ang pagtatangka nitong umimbento ng gamot. Nagtagumpay sa eksperimento si Alberto nang mabuhay nang painumin niya ang isang pasyenteng Ruso na nagtangkang magpatiwakal. Naghangad din si Alberto na matamo ang inmortalidad, ngunit nang inumin niya ang gamot na inhanda ay naghunos siyang demonyong mabalasik ang anyo—na may pangil, sungay, at namumulang mata. Naghasik ng lagim ang nasabing anyong impakto, at pumatay kay Nena na noon ay kasintahan ni Alberto. Nagwakas ang nobela nang di-sinasadyang mapatay ni Pepe si Dr. Satan nang tangkaing bigtihin nito ang binata. Samantala, ang ina na binigyan at pinainom ng gamot na nilikha ni Alberto ay gumaling mula sa pagkakaparalisa ng katawan.

Sanggunian

  • Cornelio, Mateo Cruz. Doktor Satan, na nalathala noong 1945.

Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Sanlibong Pisong Kagandahan Sanlibong Pisong Kagandahan Sanlibong Pisong Kagandahan Sanlibong Pisong Kagandahan