Doña Victorina

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Doña Victorina de Espadanya ay isang kathang-isip na katauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal--ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya ang kabiyak ni [[Don Tiburcio de Espadanya at tiyahin ni Paulita Gomez. Ginagampanan niya ang papel bilang isang Pilipinang mapagpanggap bilang Kastila kaya't nagsisikap siyang lagyan ng kolorete ang mukha at magsalita ng Espanyol kahit mali-mali ito. [1]

Sa Noli Me Tangere

Sa Kabanata 42 ng nobela, inilalarawan si Doña Victorina de Espadanya bilang mapagmahal sa dayuhan. Ang pangarap niya ay makapangasawa ng isang dayuhan. Ilang beses siyang naghanap ng karapat-dapat na lalaki para sa kanya sa iba't ibang bansa hanggang sa nakilala niya si Don Tiburcio de Espadanya noong siya'y 32 taong gulang. [1]

Sa El Filibusterismo

Sa pangalawang nobela ni Rizal na pinamagatang El filibusterismo, mababasa rin ang katauhan ni Doña Victorina. Tulad ng pagpapakilala sa kanya sa unang nobela ay walang pinagbago ang donya. Gaya ng dati, siya ay isang Pilipinang nangangarap maging Europeo. Siya ay mahilig magbitaw ng mga pasaring na tumutuligsa sa anumang mga bagay na napapansin. Siya ang nagsisilbing tagapangasiwa sa kanyang ulilang pamangkin na si Paulita Gomez. Hindi niya gusto ang mga trato sa kanya ng mga pilipino kaya siya'y nagdamit espanyol. Makakapal ang mga kolorete sa kanyang mukha.

Simbolismo

Si Doña Victorina ay sumisimbolo sa isang Pilipinong itinakwil ang kanyang sariling pagkakakilanlan ng dahil sa puring matatanggap kung ang isang indibidwal ay isang europeo. [2]

Panlabas na kawing

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Mga Tauhan sa Noli me Tangere binisita noong: 30 Mayo 2011 Cite error: Invalid <ref> tag; name "prince" defined multiple times with different content
  2. Rizal, Jose. Kabanata 1. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).



Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.