Doña Consolacion

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Doña Consolacion ang maybahay ng alperes. Tulad ni Doña Victorina, isa siyang matanda at mapamintas na Pilipina na gumagamit ng makapal na koloretes sa mukha upang matabunan ang kanyang tunay na lahi. Kalimitan, sa tuwing dumadaan ang mga binibini sa harapan ng kanilang bahay, sila ay yumuyuko na lamang upang maiwasan ang masamang tingin ng donya. [1]

Bilang magkabiyak, nagtataglay din ng kapangyarihan si Doña Consolacion na utusan ang mga kawal ng alperes na ipahuli ang sinumang kanyang ibig. Madalas siyang naaaway ng kaniyang asawa dahilan kung bakit siya nabubugbog.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  1. Jose Rizal, Noli me Tangere, isinatagalog ni Pedro Gatmaitan (Manila: P.Sayo Bookstore, 1948) p. 59. hinango noong: 31 Mayo 2011


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.