Dinky Soliman

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Corazon Victoria "Dinky" Nerves Juliano-Soliman (27 Enero 1953 - 19 Setyembre 2021) ay isang Pilipinong politiko at social worker. Nagsilbi siya bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development) sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 2001 hanggang 2005, at muli sa administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III mula 2010 hanggang 2016.

Kabataan at Edukasyon

Ipinanganak si Soliman noong ika-27 ng Enero 1953 sa lalawigan ng Tarlac. Kumuha siya ng kursong social work sa Unibersidad ng Pilipinas. Nag-aral din siya sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University kung saan nagtapos siya ng masterado sa Public Administration.

Bago siya pumasok sa pamahalaan, ilang dekadang nagtrabaho si Soliman bilang isang social worker para sa iba't ibang non-government organizations (NGO) na tumutulong sa mga mahihirap na komunidad.

Karera

Noong 2001, itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Soliman bilang kalihim ng DSWD. Nanatili si Soliman sa posisyon hanggang noong 2005 nang magbitiw siya sa puwesto matapos pumutok ang "Hello Garci" scandal. Muli siyang naitalaga sa parehong posisyon noong 2010 sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino III. Sa panahon niya bilang kalihim ng DSWD, sinimulan niya ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Kamatayan

Noong Agosto 2021, nagkasakit ng COVID-19 si Soliman, ang kaniyang asawang si Hector, at labintatlong iba pang mga kapamilya. Gumaling silang lahat mula sa sakit ngunit noong ika-19 ng Setyembre 2021, pumanaw si Soliman sa edad na 68 dahil sa renal at heart failure.


Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.