Diego Camacho y Avila

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Diego Camacho y Avila ang ika-10 Arsobispo ng Maynila mulang 1697 hanggang 1706. Lumaki siya sa Badajoz, Espanya. Nagsilbi siya bilang kura paroko. Naging Arsobispo ng Maynila si Arsobispo Camacho noong 19 Agosto 1696. Tinanggap niya ang sugo ng Papa na si Tournon, at napahamak sa mga pinuno sa Madrid dahil dito. Snubok niyang ipatupad ang episkopal na pagbisita at ilagay ang mga paring sekular sa iba't ibang parokya ngunit kinontra ng mga frayle. Dahil sa kakulangan ng mga paring sekular ay ang mga frayle ang umokupa ng mga bakanteng parokya. Pinaganda niya ang Katedral ng Maynila, sa Intramuros. Gumastos siya ng mahigit 40,000 piso. Itinatag din niya ang seminario de San Clemente para sa mga Filipinong nais maging pari.


Dahil sa maraming reklamo at sumbong laban sa kanya, ipinalipat siya ng hari ng Espanya sa Mexico at hinirang na obispo sa Guadalajara nuong Marso 14, 1706. Namatay siya noong 1712 at ayon sa kanyang huling habilin, ipinag-misa siya ni Diego de Gorospe Ysla, obispo ng Nueva Segovia sa Katedral ng Maynila noong 23 Oktubre 1713.


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.