Diahe
Jump to navigation
Jump to search
Ang “diahe” o “hadya” ay salitang balbal na nagpapahiwatig ng kahihiyan ng isang tao hinggil sa isang bagay, pangyayari, o sa kaniyang kapuwa. Sa Pilipinas, ang konsepto ng hiya ay isang pagpapahalagang panlipunan. Halimbawa, sa kultura ng mga Pilipino, “diahe” ang pumunta sa isang salusalo nang walang bitbit na regalo. Isa ito sa mga pag-uugali na nakasanayan ng mga Pilipino sa tuwing magpapaunlak sa isang imbitasyon.
Sanggunian
- Joaquin, Nick. Language of the Street and Other Essays. Lungsod ng Maynila: National Bookstore, 1980.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |