Descendants of the Sun

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Descendants of the Sun (Template:Ko-hhrm) ay isang Koreanovela noong 2016 na pinagbibidahan nina Song Joong-ki, Song Hye-kyo, Jin Goo, at Kim Ji-won. Umere ito sa KBS2 mula Pebrero 24 hanggang Abril 14, 2016 na may 16 na episodyo. Pagkatapos, nag-ere ang KBS ng tatlong karagdagang espesyal na mga episodyo mula Abril 20 hanggang Abril 22, 2016 na naglalaman ng mga tampok at mahuhusay na eksena ng serye, proseso ng produksyon ng drama, mga eksena sa likod ng kamera, komentaryo mula sa mga gumanap at ang huling epilogo.

Naging tanyag ang serye sa Timog Korea kung saan mayroon itong natamo na 38.8% sa bahagi ng tagapanood. Nakatanggap din ito ng ilang parangal, tulad ng pagkapanalo sa Grandeng Premyo sa telebisyon sa ika-52 Baeksang Arts Awards; at pinangalang Pinakapopular na Palabas ng taon ng Korea Broadcasting Advertising Corporation.

Umere ang palabas sa buong Asya kung saan napakapopular nito, at nakredito sa pag-akyat ng turismo sa Korea. Umere ang mga lokal na adaptasyon sa Pilipinas at Vietnam, at isang adaptasyon na binalak sa Tsina. Nakatanggap ng parangal ang mga artista ng palabas.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Descendants of the Sun. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.