Del Superior Govierno

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Del Superior Govierno ang kauna-unahang pahayagan sa Filipinas na lumaganap noong 1811 hanggang 1832.

Pinamamahalaan ng Gobernador Heneral ang paglilimbag at pag-eedit ng mga teksto. Ang pahayagang ito ay nasusulat sa Espanyol kung kaya't tanging mga Espanyol na nakaiintindi ng lengguwaheng ito ang nakakabasa ng nasabing pahayagan.

Sa unang isyu ng Del Superior Govierno ay iniulat nito ang pagsakop ni Napoleon sa Espanya at ang mga usapin sa Cortes.

Sanggunian

  • "Del Superior Govierno." NCCA, 2002. http://www.ncca.gov.ph/about_ncca/grants-program.php (accessed on July 23,2007).
  • Retana, W.E. El Periodismo Filipino (noticias para historia) 1811-1894. Madrid: Viuda de M. Minuesa de los Rios, 1895.
  • Soriano, D.H. et al. The Roces Family: Publishers, with a History of the Philippine Press. Manila: Isla Filipinas Pub.,1987.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.